Part 1|IV|Find Her In Hell

Jahric Leo
134 Days,

"Welcome back sa Pilipinas, na ang itlog ang nauna kaysa sa manok," sambit ng kausap ko sa kabilang linya.

Ito nanaman tayo, sa kalokohan niya.

"Okay, are you done?" walang gana kong tugon.

"'Wag ka ngang seryoso riyan, hindi natin mahahanap si ate Bia kapag ganyan ka."

"Tumawag ka ba, upang bwisitin ako?" naiinis kong sagot.

"Chill lang bro. Saan ka na?" natatawang tugon niya.

Hindi ko alam kong trip ba talaga niyang mag-biro o may awang ang turnilyo niya.

"Here in Mangatarem, 48 minutes before reaching Lingayen, Pangasinan. Tapos hindi pa agad ako makakapunta sa coffee shop na napag-usapan natin," sagot ko habang nakatuon ang mga mata ko sa aking minamaneho.

"May daraanan ka pa ba?" tanong niya.

"Yes. Sa Rh Mall may bibilhin lang ako saglit," sagot ko naman.

Pagkatapos pa ng ilang minutong pag-uusap ay agad ko ng pinutol ang tawag. Hindi ko na gugustuhin pang marinig ang mga jokes niya, na hindi ko naman ma-gets.

Wala ako sa mood upang patulan ang kalokohan niya.

***

Lumabas na ako sa sasakyan, naglakad na papasok sa mall upang bilhin ang dapat bilhin.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na nagtungo sa clothing store, upang pumili nang dress.

Kapag nahanap ko na siya, gusto kong ibigay ang dress na ito sa kanya. Marami akong kasalanan, dahil sa galit umalis agad ako sa pilipinas na hindi man lang nag-papaalam sa kanya. Mas ginusto kong lumayo, at hindi na muling magpakita.

Durog na durog ako na parang paminta. Pero alam kong nasaktan ko rin siya, wala siyang kasalanan. Pero dinamay ko siya dahil sa matinding galit ko sa aking ama.

Bumalik ako sa realidad ng may bumati sa akin na sales lady, ngumiti siya sa 'kin. Ngunit tinugunan ko lamang siya ng simpleng tingin. Kahit na pekeng ngiti, 'di ko kayang gawin.

"May maitutulong po ba ako?" tanong niya.

Inilibot ko ang aking pangingin sa kabuoan ng store, nakahilera ang iba't ibang kasuotan sa paligid na naka-hanger sa pabilog na sabitan. May mga mannequin naman na naka-display sa paligid na may suot ng dress, t-shirt, jeans at iba pa.

Sa lahat ng nakikita ko may, pumukaw nang atensyon ko.
Kulay peach na hanggang tuhod ang haba ng tela sa dress na napaka-simple lang ang disenyo, pero sa tingin ko'y babagay ito sa kanya.

Agad ko itong nilapitan, ngunit may napansin ako sa may dibdib nang mannequin. Ba't may naka-umbok?

"Would you please check?" utos ko sa sales lady. Sabay turo roon.

Tinignan niya naman, may nilamukos na puting papel at may laman ang papel na iyon. Nang makita ko ang laman niyon ay para akong binuhusan nang malamig na tubig.

What the heck is happening right now?

"Those things, I know who owns them. So pick it up, along with that dress," utos ko.

"Talaga ba sir? Paano naman napunta ito rito?" nakataas na kilay na tanong nang sales lady, at nag-kamot nang kanyang ulo.

Tinignan ko lamang ang kanyang naka-kunot na noo.

"Look at what is written on a piece of paper. Her name is Bia Joy Madrid," sagot ko ng mabasa ko ang naka-sulat sa isang papel.

Tinignan niya ito, syaka lumipat ang tingin niya sa 'kin. Para siyang principal na mabusisi na nag-iimbestiga sa nangyayari. Tumango-tango siya, at mas tumaas ang isa pa niyang kilay.

Kahit nababahid pa rin sa mukha niya ang pagkalito ay dinala niya na ito sa counter. Sumunod din ako upang makaalis na agad.

Agad na akong lumabas, nanginginig ang magkabilang palad ko habang naglalakad na ako patungong parking lot.

Hindi mawala sa isip ko, kung paano napadpad dito ang pendant ni Bia. Tulala akong pumasok sa aking sasakyan at tinignan ang gusot-gusot na tatlong papel.

I don't know what's going on right now but I'll look for an answer.

***

Nakarating agad ako sa Coffee Shop, isang kanto lang naman ang layo nito sa Rh Mall.

Naabutan kong naka-upo mag-isa ang bunso kong kapatid, sa pabilog na lamesa habang titig na titig sa kanyang laptop habang nagtitipa ang kanyang mga daliri sa keyboard ng laptop at maya't mayang inaayos ang kanyang pabilog din na salamin.

May babaeng waiter na may dalang tray na may tasa ng kape ang lumapit sa kanya. Hindi man lang niya ito pinansin o nilingon. Nakasimangot na bumalik sa counter ang babaeng waiter.

Pasimple akong napa-ngisi. Dahil nilagok niya lang naman ang kape, ng isang inuman. Mukhang seryoso siya sa kanyang ginagawa.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Tinulak ko ang handle ng babasaging pinto ng coffee shop, at naglakad na papalapit sa kanya. Sa una hindi pa niya ako napansin, pero kala-una'y napatingin siya sa 'kin na malawak na ang ngiti.

Tumayo siya, lumapit sa 'kin at pinagsusuntok ang braso ko. Ganito niya talaga ako batiin, ginulo-gulo ko naman ang buhok niya gamit ang kamao ko.

"Hirap hanapin, honey mo," ngiting aso na tugon niya.

Napasuntok na rin ako sa kanyang braso, tumawa lang siya syaka inakbayan ako't hinila palapit sa kanya upang ipakita ang tinitipa niya kanina sa kanyang laptop.

"Bestfriend ko lang siya Onux," sagot ko naman.

"Sagot mo palang halata ka na."

Hindi na ako sumagot at tinignan nalang ang pinapakita niya sa kanyang laptop maraming nag-comment sa post niya at may nag-pm din, para magkaroon nang lead sa paghahanap pa rin kay Bia.

"Hindi ko alam kung seryoso ang mga nag-k-comment dito. May ilan na kaming pinuntahan ni Riona, kaso nga lang-" naputol ang susunod niyang sasabihin ng may babaeng nagsalita sa likuran namin.

"Puro bugos, tapos 'yong mga nag-p-pm kay Onux. Puro babae na gusto lang magpapansin, at nagbibigay ng maling lead."

Napalingon kami parehas ni Onux, sa babaeng nagsalita. Nahulog ang sling bag ng babaeng may kulay abong buhok, kaya nag-kalat ang mga gamit niya sa sahig. Tumayo si Onux upang tulungan siya, pero pinigilan siya nito at parang bumulong ng 'kaya ko ito'

Nang matapos niyang pulutin, ay para siyang modelo na naglakad palapit sa 'min na ang parehas na kamay niya'y nasa kanyang baywang.

"Hindi ka nanaman naka-inom ng gamot mo," tawang-tawang ani ni Onux.

"Bakit nilalagnat ba ako? Hindi naman, kuya mo ba ito?" nagtatalon palapit sa 'kin ang babae na parang bata. Syaka inilahad sa harap ko ang kanyang kanang palad.

"Riona Ettiquete, right?" tanong ko.

Hindi ko pinansin ang nakalahad niyang palad, tumingin nalang ako kay Onux na nakaawang ang bibig. Umupo nalang ako sa tapat niya, na parang walang nangyari.

"Woh, alam mo na po pala ang pangalan ko. Paano naman?" gulat na tanong niya at umupo na rin sa tabi ni Onux.

Tinignan ko siya, napa-ngisi nalang ulit ako. Hindi pa ba niya pansin?

"May isa riyan na bukambibig ka niya," sambit ko, sabay tingin sa bunso kong kapatid.

Pinandilatan niya ako ng mata na halos mahulog na ang kanyang bilugang salamin, napapansin ko rin na panay ang pagkamot niya sa kanyang ilong.

Nararamdaman ko rin na may paa na sumisipa sa aking binti sa ilalim ng lamesa.

Gumawi naman ang paningin ko kay Riona na napatakip sa kanyang bibig gamit ang kanyang magkabilang palad, tapos napalingon siya sa paligid at inilapit ang bibig niya sa aking tainga.

"Umabot na pala ang pangalan ko, hanggang New York. Sinabi rin ba ng taong 'yan na sikat akong dedective sa Pilipinas?" ani ni Riona.

Inilapit ko rin ang bibig ko sa tainga niya, syaka napalingon ako kay Onux na nakaigting na ang kanyang panga.

"Hindi eh, hindi ko nga alam na dedective ka," malamig kong sagot sa kanya.

May malakas na pag-hampas sa lamesa ang sumunod na umalingawngaw sa apat na sulok ng coffee shop, kaya sabay kaming napalingon kay Onux na nakatayo't galit na galit na.

"Hindi! 'Wag kang maniwala sa sinasabi niya, hindi 'yon totoo!" sigaw niya, kaya napalingon sa table namin ang ibang mga costumer na kanina'y busy sa kanilang sari-sariling ginagawa.

"Sinasabi mo, ikaw yata ang hindi nakainom ng gamot?" sabay tawa ni Riona. Hinila niya si Onux, upang umupo muli.

"Nakakahiya ka On-On," singit ko rin naman.

Hindi ko alam, pero hindi ko maiwasang pigilan ang sarili kong hindi matawa sa naging reaksyon niya. Akala niya siguro, binuking ko na siya sa bestfriend niya. Pero wala naman akong pake, kung may feelings sila sa isa't isa.

"Nag-file na ba kayo ng missing person sa police station?" seryoso ko ng tugon at humarap sa kanilang dalawa.

Sumeryoso na rin si Riona, pero kapansin-pansin pa rin ang maitim na ekspresyon ni Onux na matalim na nakatitig sa 'kin.

"Huwag mo akong titigan nang ganyan, don't worry wala akong sinabi," walang gana kong tugon.

Nakakunot naman ang noo ni Riona, ramdam kong gusto niyang mag tanong pero 'di ngayon ang oras para roon.

"Oo tapos na," tipid na sagot ni Onux, sabay iwas ng tingin sa 'kin.

Hindi na ako sumagot, ilang segundo ring katahimikan ang bumalot sa aming tatlo walang nag tangkang mag-salita. Pawang titigan lamang ang nagagawa namin sa bawat isa. Naghihintay kung sino ang may lakas ng loob na babasag sa nakakabinging katahimikan.

~'Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin.
Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akin.
Hapdi at kirot ang dulot sa 'king damdamin~

"May tumatawag, kaninong cellphone 'yon?" tanong bigla ng isang lalaking costumer. Kaya napalingon ako sa paligid.

May mga naglabas nang cellphone, ibinalik na rin ng masiguradong 'di sa kanila galing ang ringtone na 'yon.

~'Di ko na kayang mabuhay sa mundo.
Kung mawawala ka sa piling ko.
Kahapon lamang, kay sarap ng ating pagmamahalan.
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo'y walang hanggan.
Kahapon lamang, tayo ay nagsumpaan.
Ang sabi mo pa, ako'y 'di mo iiwan~

"Ang ingay..." sambit muli ng costumer na 'yon bago tumayo't napasabunot sa kanyang buhok na agad ko ring napansin ang parang rosaryong tattoo sa kanyang kamay na parang bracelet.

Nagmartsya ang lalaking costumer palabas nang coffee shop, na may bahid ng sama ng loob at kunot ang kanyang noo.

"Problema no'n?" tanong ko't humarap sa dalawa kong kasama. Napakamot sa ulo si Riona, at kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

"Pasensya na." Tumayo si Riona, na namumula na ang pisngi. Nagpipigil namang tumawa ang katapat ko.

"Brocken hearted 'yan kay Deimion..." ani ni Onux.

Inirapan naman siya ng kanyang bestfriend, pa simple lang naman siyang ngumiti. Mga isip bata. Lumabas na si Riona, napaharap naman ako sa katapat ko.

"Ang oa ng reaction mo kanina," ani ko.

"Mas mabuti ng oa, kaysa bastos," may diin pa ang salitang bastos sa sinabi niya.

Sasagot na sana ako ng ibinigay sa 'kin ni Riona ang cellphone niya.

"M-may tumawag alam daw niya kung nasaan si ateng Bia..." hingal na hingal niyang wika.

When I saw the caller's number, I realized it was Bia's number.

Napatayo ako sa 'king kinauupuan at napa-kuyom ako sa aking magkabilang palad. Naniniwala akong  hindi si Bia ang tumawag, kasi sa tuwing tumatawag ako sa kanya ay 'di niya sinasagot ito at ang isa pang misteryo ay, minsang nai-kwento sa akin ni Onux na 'di pa nakikilala ni Bia si Riona.

"Who are you tell me where she is?!" sigaw ko.

"Find her in hell.”

Author's Note:

Di Ko Kayang Tanggapin By April Boy Regino.

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top