Part 1|II|She's Missing

Jahric Leo
136 Days,

Kung 'di kaya nangyari ang lahat ng 'yon wala kaya ako ngayon dito?

Siguro kompleto pa ang pamilya ko't hindi nawala sa 'kin ang dalawang pinakamahalagang babae sa buhay ko.

Nakasandal ako ngayon sa railings ng balcony ng aking kwarto't pinagmamasdan ang naglalakihan at nagtataasang mga establishment na nakapaligid sa aking paningin.

Ang iba sasabihin na toxic, kasi nga wala na halos masyadong nakikitang space at halos mag-dikit-dikit na ang mga building.

Pero hindi ko mapigilan na hindi ma-appreciate ang bawat detalye sa view na ito. Kapag tumatama ang araw, para itong crystal na lego block na pinagsama-sama kaya nakabubuo nang malalaking siyudad. Pero pagdating na ng gabi para na itong honey comb, na sobrang tamis kung titignan dahil sa buhay na buhay nitong mga maliit na ilaw.

New York City...

Day

Night

Napatingin ako sa wineglass na may lamang kulay gintong likido na hawak nang kanan kong kamay.

Kung kaya lamang sana ng likidong ito na tanggalin lahat nang memorya ng nakaraan sa aking utak, agad ko itong iinumin. Pero hindi, pagkatapos ng pag-inom ko nang kahit ilang bote pa nito. Kahit k'unti 'di mababawasan ang ala-alang 'yon.

Naantala ang aking pag-iisip nang may bumukas sa pinto't iniluwa niyon ang kaisa-isang taong kasama ko rito sa New York.

"Did I disturb you? May dala akong tubig-" naputol ang susunod pa niyang sasabihin nang makita niya ang hawak kong wineglass.

"I need it, I need alcohol in my body," tugon ko at nilagok ang natitirang laman nito. Syaka ibinaling ang paningin sa kausap ko.

"I see." Tumango-tango siya at inilapag ang tray na may baso ng tubig sa mini table malapit sa aking kama.

Madilim ang ekspresyon niya, at parang may gusto siyang sabihin sa 'kin pero ramdam ko ang pagdadalawang isip niya. Kahit 'di man niya sabihin, alam ko na ang dahilan.

"Hindi po ako uuwi sa Pilipinas. Whatever the reason, you know what happened," giit ko at muling tumalikod na kunwaring pinagmamasdan pa rin ang city lights.

"Your father needs you, will you let Onux take care of him alone? Don't you feel sorry for him? Jahric, he already pays for everything he has done," seryoso niyang tugon.

Kahit nakatalikod ako ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Karma niya sa lahat na ng nagawa niya. Hayaan ninyo na po siyang mag-dusa, he deserved it," walang ka-emo-emosyon kong tugon at humarap sa kanya.

Sinubukan kong ngumiti na makikitang hanggang langit ang saya ko dahil sa nangyayari sa kanya. Pero deep inside, I feel poison in my heart, which is slowly killing my system.

"You're really numb, I know why you're so mad at your father, but he needs you," tugon niya at may bahid na ng awa ang mga mata niya.

"Tita n'ung kailangan namin siya ng kapatid ko nandoon ba siya?! N'ung mga panahon na nililibing si mommy, tapos siya nasa kabit niya! Wala siya, kaya i don't really care if he dies right now. I don't even fucking care!" sigaw ko at napakuyom ako sa aking magkabilang palad.

Sa tuwing naaalala ko ang nagawa niya, gustong-gusto kong hilingin na sana hindi na siya ang naging ama ko. Sana siya nalang ang namatay at hindi si mommy. Hindi ang mommy ko.

"Be careful what you say. He is still your father Jahric. Dad mo pa rin ang sinasabihan mo niyan."

Napasipa at napasuntok nalang ako sa railings sa galit na nararamdaman ng aking puso.

"Tita please, pwede po bang iwan muna nalang ako? Gusto ko pong mapag-isa," hiling ko at pinipigilan ang sariling sumigaw muli.

Pero tuluyan na akong nabingi sa sumunod niyang sinabi, at hindi ko maiwasang hindi manginig ang magkabilang palad ko na nagdulot na ng bigla-biglang pag-bitaw sa wineglass na hawak ko.

"Kailangan ka ng bestfriend mo na si Bia, nawawala siya. Kailangan ka niya Jahric."

Kailangan ka ng bestfriend mo na si Bia, nawawala siya. Kailangan ka niya Jahric.

Kailangan ka ng bestfriend mo na si Bia, nawawala siya. Kailangan ka niya Jahric.

Kailangan ka ng bestfriend mo na si Bia, nawawala siya. Kailangan ka niya Jahric.

Paulit-ulit na nag-e-echo sa aking tainga ang mga huling sinabi ni tita Sha-Sha.

Pagkaharap ko ay wala ng tita Sha-Sha ang naririto sa loob ng kwarto ko. Tuluyan ng bumigay ang aking magkabilang binti at naramdaman ko nalang ang malamig na sahig na sumalo sa aking magkabilang tuhod.

Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan pero may tatlong tanong ang nangingibabaw sa lahat ng katanungang iyon.

Dahil ba sa akin 'yon? Dahil ba sa naging away namin noon? Dahil ba sa nasabi ko noon?

Kung oo, it means kailangan ko siyang hanapin pero ang kapalit ay haharapin ko ang kinatatakutan kong nakaraan at taong sumira sa aking buhay.

Wala sa sarili kong hinanap kung nasaan ang cellphone ko at tinipa ang ang numero ng kapatid ko.

Sa ikatlong missedcalls ay sinagot niya rin. Naka-rinig ako ng sunod-sunod na pagbuntong hininga.

"Napatawag ka bro," agad niyang sagot.

"Busy ka ba On-on?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko ng 'wag mo, akong tawaging On-on."

Marahang gumaan ang nararamdaman ko dahil sa naiinis niyang boses.

"Pwede bang pasuyo On-Onux?" pilit na hindi mautal kong tanong.

"Sure, what is it? Pero ganitong oras, may problema ba?" nagtataka niyang boses.

"P-paki tignan nga si Bia, 'di ba nandyan siya sa bahay nila at hindi siya nawawala?"

Umaasa akong sasabihin niyang.

Yes, maayos siya.

Nandito lang siya.

Hindi siya nawawala.

Pero kilala ko si tita Sha-Sha, hindi niya kayang mag-biro pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Natahimik bigla ang kabilang linya, at naiisip ko na ang ayaw kong marinig, na may mga bagay akong naiisip na ang hirap tanggapin.

"She's missing, halos isang linggo na ang nakakalipas ng mawala siya, kuya kailangan ka namin dito... She needs you, kailangan ka ni ate Bia ngayon... Uwi ka na kuya, miss na kita," seryosong boses ni Onux at walang bahid ng pagbibiro.

Pilit kinukumbinsi nang aking utak na hindi ito totoo, pero he is dead serious. Kapag ganyan ang tono niya, ibig sabihin walang halong biro.

Tuluyan ng namanhid ang buo kong katawan at naitapon ang cellphone ko sa aking kama, pilit kong pinapaklma ang aking sarili.

Siguro dulot lang ng nainom ko kaya mali ang narinig ko. Pero kahit anong gawin ko, wala pa ring magbabago.

Nawawala pa rin siya.

Nagtungo ako sa cr at pinihit ko ang faucet sa wash basin. Sa mga oras na ito hindi ko na mapigilang igusgos ang lahat ng sabon sa mukha ko upang mabawasan ang nararamdaman ko. Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pag-hapdi na ng mukha ko kasabay nito ang tuloy-tuloy ng pag-agos nang aking luha sa aking pisngi.

Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin na katapat ko, may kalmot na makikita sa pisngi ko at pag-agos nang dugo rito. Hindi ko alam kung saan ba ang masakit sa mukha ko ba o sa aking puso?

Hanggang mas bumigat ang nararamdaman ko ng ma-alala ang nangyari four-years-ago.

"How can I be okay now that you're missing?"

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top