Part 1|End|The Answer Of Your Question

Epilogue

Third POV,

"Ang pinakahihintay nating mga kasagutan ay masasagot na ni Bia Joy Madrid. Anong masasabi mo Ms. Madrid patungkol sa kumakalat na isa ka raw living mannequin?" tanong ng lalaking reporter habang nakaharap siya sa babaeng tinawag niya na Ms. Madrid.

Sumilay sa labi ng babae ang maliit na ngiti, at pinigilan ang sariling hindi gumawa ng malaking eksena. Nang dahil sa kumalat na impormasyon na ito, nawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya. Gusto niyang magwala at sigawan ang lahat dahil sa nangyari sa buhay niya. Ngunit hindi 'yon maaari, baka masayang lang ang pagsasakripisyo nang kanyang pinakamamahal na bestfriend.

"Nakita ninyo naman ako na kausap ngayon ni reporter Ettiquete. Hindi pa ba ito patunay na hindi iyon totoo at hindi na ninyo ba naisip ng dahil sa kinakalat ninyong maling impormasyon. Nasira ang buhay ko at ang buhay ng mga taong nakapaligid sa akin," may diin niyang tugon at kaunting napayuko. Pinipigilan niyang mangilid ang kanyang mga gusto ng kumawalang luha.

"Ako na mismo ang humihingi ng tawad Ms. Madrid sa pagkakamali ng mga taong humusga at mga taong nagkamali sa kung ano mang naging epekto ng nangyari," senseridad na tugon ni reporter Ettiquete. Tinitigan niya si Ms. Madrid ng makahulugan at sinasabing kaunti nalang magiging maayos din ang lahat.

"H-hindi ko kailangan ng patawad reporter Ettiquete... Ang gusto ko lang ay bumalik na sa tahimik ang buhay ko, parang awa ninyo na tigilan ninyo na ang panggugulo sa buhay namin. Tahimik naman dati eh, gag* lang iyang source na iyon. Hahanapin kita, hindi ko gugustuhing mamamatay hanggang hindi kita nahahanap!" tuluyan ng dumaloy ang traydor niyang mga luha sa kanyang pisngi at napahagulgol.

Hanggang sa mga sandaling ito, hindi siya makapaniwalang wala na ang kaibigan niya. Wala na ang lalaking pinakamamahal niya at sa mga oras na ito nakaharap siya sa camera at napapanuod ng lahat. Naiintindihan niya na ngayon ang lahat, ginawa niya 'yon para iligtas siya. Hanggang sa huli si Bia pa rin ang inisip at inintindi niya. Kahit ang kapalit ay sarili niya pang buhay.

Sa kabila namang banda, halos mabitawan ng isang babae ang hawak niyang remote. Para siyang kinukuryente ng malakas na boltahe ng elektrisidad dahil sa matinding panginginig ng kanyang magkabilang palad.

"I'm not makukulong, never in my life to live in that mabahong place. H-hindi ako makukulong..."

May tinipa siyang numero sa screen ng kanyang cellphone at ilang saglit nalang ay may ingay ng nagmumula sa kabilang linya.

Palahaw, iyak, sigaw. Parang may taong pinapahirapan at binubugbog, kasabay nito'y malalakas na halakhak nang isang lalaking baritono ang boses.

"Pahirapan 'yan. 'Wag kayong tumigil hanggang hindi 'yan nalulumpo," humahalakhak pang tugon ng boses ng isang lalaki.

Napalunok ng paulit-ulit ang babae na nagdadalawang isip kong magsasalita pa ba o hindi na. Mas nadagdagan ang panginginig ng kanyang magkabilang palad.

"H-hello boss... P-please help me, i don't want to manirahan in the kulungan," tugon ng babae habang nakatingin sa harap ng television.

"Ano naman ang makukuha kong kapalit?" seryoso at walang patumpik-tumpik na tugon ng lalaki.

"You can use me as isa sa mga tauhan mo, you know i can do dirty works," walang pagaatubiling tugon ng babae at bahagya siyang kumalma ng matapos na ang balita. Kaya pinatay niya na ang tv.

"Wala akong tiwala sa 'yo Aysi Lhyl. Paano ako makakasiguradong tutupad ka sa pinag-usapan? Malay ko ba kung isa ka palang spy at nagtratrabaho ka sa ibang tao," muli nanamang umalingawngaw ang halakhak ng lalaki at parang pinaglalaruan ang kanyang kausap.

"I promise, i will never do that. From now on, hawak mo na ang buhay ko. Basta linisin mong hindi mai-link sa akin at hindi nila malaman na ako ang source," pagmamakaawang tinig ng babaeng tinawag na Aysi Lhyl.

"Magpapadala ako ng tauhan na lilinis sa lahat-lahat. Kahit kabirangot na buhok wala silang makukuha, mag-iingat ka. Palagi akong nakabantay sa iyo, malalaman ko kahit anong kilos o galaw mo," pagbabantang tugon ng kanyang kausap. Kaya muling tumayo ang balahibo ng babae.

Wala siyang nagawa kun'di um-oo nalang. Bago pa man tuluyang mawala ang linya ng pag-uusap ay may sunod-sunod na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto kung saan naroon ang lalaki.

Umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril na nagpabingi sa magkabilang teynga ni Aysi Lhyl, ngunit parang wala lang ito sa kanya.

Nang mawala na ang ingay mula sa cellphone ng babae ay napahiga siya sa sofa at itinapon sa basurahan ang kanyang cellphone.

"You're the mastermind, but i'm smarter than you," bulong ng babae sa kanyang sarili.

Muli nanamang umalingawngaw ang mala-demonyong halakhak ng lalaking kausap ng babae kanina. Nang napadapa ang binaril niyang lalaki na may bracelet tattoo na may design ng rosaryo sa kanyang kamay, at muling pinagsusuntok sa tiyan.

"Ang lakas mong kalabanin ako, sisiguraduhin kong gugulatin ko ang pamilya mo sa malamig mong bangkay," walang emosyong tugon ng lalaki.

"Gawin mo! Alam na ng mga awtoridad na ikaw ang utak ng lahat," sigaw ng lalaking may tattoo sa kamay, kaya hindi nakapagtimpi ang lalaking walang kaluluwa na kanina pa siya pinapahirapan.

Hindi siya nag-atubiling binunot ang baril sa tagiliran nito at kinalabit ang gantilyo na nakatapat sa ulo ng lalaking may tattoo sa kamay. Muling umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril, kasunod nito'y ang pagbagsak nang katawan ng lalaki sa malamig na semento habang umaagos ang pulang-pulang likido na nagmumula sa kanyang ulo.

"Isunod mo na ang next target. Nagsisimula palang ang tunay na laro. Dadanak pa ang dugo." Hinipan ng lalaki ang kanyang hawak na baril at bago pa man maglakad palabas sa silid na 'yon ay tumingin siya sa camerang nasa gilid ng dingding malapit sa pinto. Mala-demonyong ngiti na kung sino man ang makakakita'y kikilabutan ng todo.

"Hanapin ninyo ako. Magsisimula na akong magbilang ng sampu, magtago na kayo. Bago ninyo ako mahanap..." Humakbang siya palapit sa cctv camera.

"Nahanap ko na kayo. Kaya galingan ninyo sa pagtatago." Itinutok sa cctv camera ang hawak niyang baril.

"Isa... Sampu..." Kinalabit niya ang kanyang hawak na baril at muling umalingawngaw ang sunod-sunod ng putok ng baril.

Halos matunaw na ang ice cream na hawak nang isang babae habang nakaharap sa malawak na karagatan at parang may malalim na iniisip.

"Ayaw mo ba iyang ice cream? Sabi mo gusto mo ng ice cream," tanong ng lalaking katabi niya.

Nanatili lamang ang babaeng nakatitig sa nangangalit na mga alon na nagpapaligsaan sa paghampas.

Kanina pa siya wala sa sarili, ng matapos ang interview. Parang wala na siya sa kanyang sarili at tulala nalang sa lahat ng oras.

"Isipin mo nalang na ako 'yong bestfriend mo. Ituring mo nalang na ako si Jahric baka kung sakaling mabawasan ang bigat ng nararamdaman mo. Nandito ako na si Ryxen, ako ang totoong proprotekta sa 'yo. Habang wala ang taong mahal mo, okay lang sa akin na hanggang kaibigan mo lang ako. Basta hayaan mo akong mahalin ka. Bia, please kunwari ako si Jahric para 'di ka nahihirapan ng sobra," tugon ng lalaki kay Bia at hinarap niya ang babaeng ngayon ay dumadaloy ang kanyang luha sa kanyang pisngi.

Pinunasan ng lalaki ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Bia, nababahid sa mga mata niya ang awa, pag-aalala at hapdi na hindi siya ang mahal ng taong mahal niya.

"Wala na si Jai. Wala na siya, kahit kailan hindi ko na siya makikita pa. Ryxen sabihin mo panaginip lang ito, parang awa mo na gisingin mo na ako sa masamang bangungot na ito... R-ryxen... Babalik si Jai-Jai 'di ba? Babalik siya nangako siya sa akin," tuluyan ng bumigay ang pundasyon ng magkabilang binti ni Bia at napaluhod siya sa puting buhangin.

Napatakip siya sa kanyang mukha na basang-basa na dahil sa mga luhang kanina pa umaagos sa kanyang pisngi. Lumapit si Ryxen sa nanghihinang si Bia na halos humandusay na sa buhangin at magpaagos sa karagatan.

"Babalik siya Bia," mahina ngunit may diing tugon ni Ryxen.

Napayuko si Bia, at mas lalong napahagulgol. Alam niya kasi sa kanyang sarili na impossible na 'yong mangyari.

"Wala ng tatawag sa akin ng Biang, kakamustahin at sasabihing Biang okay ka lang? Tara usap tayo. Ikwento mo lahat sa akin. Gagawin niya lahat para gumaan lang ang pakiramdam ko, pero siya kahit minsan hindi ko nagawang tanungin kung okay lang ba siya. Sa umpisa palang gan'on na pala ang binibitbit niyang bigat sa dibdib niya, tapos ako. Nandito naligtas nga pero siya ang pumalit sa posisyon ko na sana ako nalang ang nawala at hindi si Jai-Jai," yumuyogyog na ang balikat niya dahil sa matinding paghagulgol. Parang binagsakan siya ng langit at lupa, na hindi niya maipaliwanag ang bilis ng pangyayari.

Nagsimula lang naman sa pagsali niya sa larong ito na natapos sa pagkatalo at pagkawala ng taong pinakamamahal niya.

Gusto niya nalang matawa, ngunit pag-iyak at pag-hula lang ang kaya niyang gawin. Kung maaari lang siyang tumalon sa dagat para sumunod sa lalaking mahal niya. Ngunit hindi niya magawa, dahil siguradong malulungkot si Jahric at masasayang ang pagsasakripisyo niya.

Video,
143 Days Game

"Do you want to change your life? When you join it your life will change forever, you will experience the pleasure you ask for. Do you want to get rid of the pain you feel? Join now and this game will take away the pain you feel. You will find your soulmate and all your wishes will come true. But in return it is your life."

"The game is over, so this video is about to shut down in...

5...

4...

3...

2...

1..."

Jahric Leo
Backstory

Gusto ko nalang bumalik sa mga oras na wala pa akong pake sa mundong ginagalawan ko. Sa simpleng pag-iwas ko kasi sa mapaglarong mundong ito nakakaiwas din ako sa sakit o galos na maaaring matamo ng puso ko.

Okay lang masugatan sa balat basta 'wag lang sa kaloob-looban. Hindi madaling maghilom ang sugat na nagmumula sa puso kapag nagkalatay na ito, pero sa balat maaari pang gumaling kapag ginamot mo ito.

Siguro tatanggapin ko nalang na gagawin ko ito para sa babaeng mahal ko. Kailangan kong gawin ito, kahit hindi ko gustong malayo sa kanya.

Pero ito lang ang paraan ang sunugin ang orihinal na kopya ng form na ito.

Hawak-hawak ng magkabilang palad ko ang orihinal na kopya habang ang isa naman na pina-xerox ko ay nasa loob ng pulang kahon. Wala sila rito, kaya nandito ako at nag-iisa.

Ang lakas na ng apoy na nanggagaling sa kahoy na panggatong, naririto ako sa garden at nilalanghap ang sariwang hangin.

Nang makuntento na ako at nakapag-desisyon na, ay itinapon ko sa apoy ang tatlong puting papel. Kumulay asul at umiilaw na parang lampara ito, hinahangin din ang abo nito palipad sa ere.

"Your suffering will end Bia. I saved you."

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito <3❤️❣️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top