𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟏𝟏 [ back to zero sa pagsusulat ]
❝ Nakakatakot mag-back to zero ako sa pagsusulat. ❞
✨
𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝟏𝟏𝐭𝐡 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 #12WriterFearsNaDapatTibagin 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬.
𝙉𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙘𝙠 𝙩𝙤 𝙯𝙚𝙧𝙤.
Nung tumigil ako sa pagsusulat 4 years ago, sobrang natuyo ang utak ko at walang maisip na kahit anong fiction stories. Walang ideas na pumapasok sa akin at pakiramdam ko, hindi na ako marunong mag-fiction writing. Naubos talaga ako.
Nasa utak ko, "Sana makabalik na ako sa dating ako na sobrang sipag magsulat. Na everyday kung mag-update. Sana, sana, sana . . . 'Yong dati."
Then may isa akong napansin:
Puro past. Puro pagbalik. Bakit pabalik lagi?
Dapat bang bumalik talaga, kung puwede namang mag-move forward?
Oo, tumigil ako sa writing journey ko pero marami akong na-experience na mga bagay na nagpatatag sa pagkatao ko while my writing was on hold. Marami akong natutuhan sa buhay dahil nagliwaliw muna ako. Tumigil man 'yong writer journey ko, my life didn't stop from moving.
Nangalawang ako sa writing pero hindi ako nangalawang sa storytelling. Sa katunayan, mas gumaling pa nga yata ako dahil sa experiences ko. Dahil sa mga inaral ko. Dahil hindi ako naging stagnant.
So I don't see it as "back to zero". We shouldn't see our "pahinga" as back to zero.
Never tayo "babalik sa dati" kasi lagi tayong may mga bagong kaalaman as we step forward in life. At kapag may bago tayong kaalaman, we grow.
If we grow, we get out of our comfort zone. Sa pagpunta sa panibagong zone, we become beginners but equipped tayo ng experiences from our former comfort zone.
So hindi naman talaga siya back to zero, 'di ba?
Ayokong bumalik sa dating ako na sulat lang nang sulat.
Gusto ko 'yong ako ngayon na medyo nangangalawang man sa narration, equipped naman ako ng iba't ibang learnings and experiences na wala 'yong past self ko.
Hindi tayo dapat matakot sa "wala".
Hayaan natin ang sarili nating maging forever work in progress.
Kasi kung work in progress tayo, mawawala 'yong shame of not knowing everything.
Kapag kasi tinanggap nating forever WIP tayo, magbabago ang mindset natin from fixed to growth.
Imbis na mahiya na walang alam, magkakaroon pa tayo ng eagerness to be a beginner at matuto pa. May urge tayo to learn a lot. To experience more.
And if we grow, hindi kailanman natin kailangan pumunta sa dating tayo. Hindi natin kailangan pang bumalik sa nakaraan.
Ang kailangan lang natin ay maramdaman ang saya sa paggawa ng mga panibagong beginning.
✨
Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~
Tenkyu, d_lavigne for ze proof!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top