𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟎𝟑 [ dami ko ideas, hindi ko masulat ]
❝ Paano kung marami akong ideas pero hindi ko sila maisusulat, matatapos, o kapag naisulat at natapos ay hindi ko maja-justify ang outcome niya? Paano kung hindi ko magustuhan ang sinusulat ko? ❞
✨
𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝟑𝐫𝐝 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 #12WriterFearsNaDapatTibagin 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬.
The best way to know kung maganda ba at kung magugustuhan mo ba ang kwento at execution mo ay kapag nag-execute ka na nga talaga aka nagsulat.
𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀 𝗮 𝘀𝗸𝗶𝗹𝗹, 𝗵𝗶𝗻𝗼-𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗶𝘁𝗼.
And ito yata ang nakakalimutan ng karamihan dahil nakatingin tayo sa mga established author na. But that's the thing, e. Established na sila, meaning, they've been writing for a lot of years now.
Eh tayo? Ikaw?
𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮? Ilang taon na ang nakararaan nung sinimulan natin pagtuunan talaga ang maayos na pagso-storytelling?
Ako kasi, 2007 nagsimulang mag-yolo sa pagsusulat pero 2014 medyo nagseryoso so that's 7 years of liwaliw, yolo-ing.
Tumigil ako ng 2018 sa pagsusulat pero hindi ako tumigil mag-aral kaya this 2021, applied na ang mga kaalaman ko sa sinusulat ko.
7 years of liwaliw. 7 years of studying.
✨ 2007, fetus ako na nagliliwaliw.
✨ 2014, pinanganak ako at nag-aral.
✨ 2021, pinaka may alam ako.
𝗡𝗲𝘅𝘁 𝗳𝗲𝘄 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀, 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝘁𝗼 𝗽𝗮 𝗮𝗸𝗼.
14 years of writing, yes, pero 7 years old pa lang ako na nag-aaral nang matino. Kung ihahalintulad sa isang bata, grade 1 pa lang. Hindi pa marunong magbasa nang maayos. Anlalaki pa ng sulat kamay.
Ito ang laging analogy ko nitong nakaraan kapag may nakakausap akong author na pressured to write the best sa umpisa pa lang.
𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗯𝗮𝗯𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗶𝘁'𝘀 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗮 𝗻𝗲𝘄 𝗲𝘅𝗽𝗲𝗿𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲.
Kapag baby ka pa lang, hindi ka magsasabi agad ng "supercalifragilisticexpialidocious". Walang baby ang kaya nang mag-invest sa insurance for their future. Walang kakapanganak lang ang nag-college entrance exam na.
Kung isang taon pa lang tayo nagsimula magseryoso sa ginagawa natin, then . . . baby pa lang tayo, di ba?
Bakit ang bigat agad ng naiisip natin para sa sarili?
So you need to understand na kailangang maghinay-hinay lang sa sarili. Hindi makakalakad ang baby kung walang walker so pwedeng simulan muna natin doon. Magsulat nang mahinahon. Better yet, simulan muna sa pagdapa – paggapang, hanggang sa kaya nang umupo mag-isa at tumayo, then maglalakad na, hanggang sa kaya nang tumakbo.
𝗜𝗺𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗻𝗲𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗴𝗿𝗮𝗻𝗱, 𝗶𝘁 𝗰𝗮𝗻 𝗯𝗲 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘀𝗺𝗮𝗹𝗹 𝘁𝘄𝗲𝗮𝗸𝘀 𝗼𝗻𝗲 𝗮𝘁 𝗮 𝘁𝗶𝗺𝗲.
And years will come, tatanda ka na, mas magkakaroon ng experience, at mari-realize na hindi natin nabibigyan ng justice ang kwento agad-agad kahit 200th story na 'yon dahil lagi pa rin tayong babalik sa pagiging "baby".
Writing a good story takes time, practice, and patience — plus, good editing.
You will always struggle. And for you to know na ito ang gusto mo talaga, it must be the struggle you're willing to get through.
✨
Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~
Ang fears sa series na ito ay binase sa mga takot ng authors under Guilty Reads community. Text edited by d_lavigne .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top