𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟎𝟏 [ gets ba nila kwento ko ]
❝ Paano kung mahilig lang ako magkwento pero hindi pala nila naiintindihan ang kwento ko? ❞
✨
This is the 1st post sa #12WriterFearsNaDapatTibagin series.
Lahat tayo ay mahilig magkwento pero for me, may dalawang types ito:
✨ kwento para sa sarili
✨ kwento para sa iba
Ang dalawang types na ito ay pwede nating ihalintulad sa . . .
✨ journaling o pagkukwento para sa sarili
✨ talking / communicating o pagkukwento para sa iba
Para kanino ang kinukwento ko? Ito 'yong pwede nating itanong sa sarili kasi magkaiba ang dalawa ng way of storytelling.
Ang journaling, we write it for our own consumption. Walang ibang makakabasa nito kundi sarili natin dahil may terms na tayo lang ang nakakaalam, inside jokes na tayo lang ang natatawa, and we tend to not explain ourselves kasi gets naman natin sarili natin eh.
Isipin mo na lang na kapag pinabasa mo sa iba ang journal mo tapos andaming jargons, kahit gaano pa kaganda 'yong pinagsasasabi mo, for sure, hindi nila mage-gets 'yan.
Kasi nga, para sa 'yo lang.
Punta naman tayo sa isa pang type.
Talking / communicating to others ay ang obviously na hindi na sarili natin ang kausap natin — may 𝘢𝘶𝘥𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 na tayo. Sa pakikipag-usap sa iba, kailangan nila ma-gets ang sinasabi natin to get the ball rolling.
Papasok na rito ang tanong na "Paano kung mahilig akong magkwento pero hindi pala nila naiintindihan ang kwento ko?"
Ang sagot dito?
✨ w e a d j u s t t o r e l a t e ✨
We adjust to our 𝘵𝘢𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘢𝘶𝘥𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 para maka-relate sila sa gusto nating ipahiwatig. At ang pagkukwento, para lang din itong journaling but more context, more expound sa situation, at more definition of terms. Minsan, kailangan pa ng backstory para mas ma-gets ng pinagkukwentuhan.
Isipin mo na lang na ikinukwento mo sa bago mong tropa kung paano mo minahal for 10 years yung mahal mo kahit magpapakasal na sa iba (ehem #SNMSL1).
Syempre para ma-gets ni new found tropa 'yong kabaliwan mo at hirap sa pagmu-move on, ibibigay natin sa kanya ang gist ng mga nangyari – from the start pa nga minsan. Lahat ng info na sa tingin natin ay makakatulong sa kanya ay ilalapag natin para same page tayo.
Ipapakilala mo ang love mo gamit ang perspective mo, kung bakit nga ba siya lovable para sa sarili, dahil kung love mo talaga siya — mako-convince mo ang iba at maintindihan ka na ng audience mo.
You adjust your journaling to help them relate to you by expounding the important stuff like 'yong time na umulan tapos pinayungan ka ni crush. KILIGS kasi! So dapat iparamdam mo 'yong kiligs na 'yon kahit 'yong pinagkukwentuhan mo ay hindi naman maka-relate talaga.
Ang key is to make them understand your point of view via different narrative modes:
✨ Action
✨ Dialogue
✨ Thought
✨ Description
✨ Exposition
Most importantly, kailangan mong malaman na everything takes time.
Hindi ito isang bagsakan na gets ka agad ng mga tao kahit ano pang explain mo kasi baka mamaya, over explanation naman tulad nito haha chz.
For sure sa umpisa, hindi kayo magkakaintindihan.
But that's the thing:
Wala kang ibang magagawa kundi ang kausapin nang kausapin ang target audience mo. Puro trial and error, trial and error, trial and error dahil paulit-ulit kang magkakamali, pero dahil sa mga pagkakamaling iyon, paulit-ulit ka ring matututo.
Kung itutuloy mo lang ang pagkwento with a particular audience in mind, and you will adjust to them, and you will try your best to explain using their words or ways on how they perceive life, then for sure – mage-gets ka nila one way or another.
Mahilig ang lahat magkwento pero hindi lahat ay may patience to "show and tell" sa audience — tayo lang na storytellers ang passionate at matiyaga sa ganito.
So leverage on that katiyagaan and passion.
✨
More tips? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips.
Thank you d_lavigne for proofreading. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top