PROLOGUE

PROLOGO

---------

They are LDR or Long Distance Relationship.

December 25, 2016

"11:11. Merry Christmas, Stella!" Masayang bati ng nanliligaw na lalaki sa kanyang iniibig na babae.

December 31, 2017

"11:11. Happy New Year, Stella!"

"Josiah, masyadong pang advance haha"

"Mahirap na, baka maunahan pa ako sayo"

February 14, 2017

"11:11. Happy Valentine's Day, Stella!"

"Happy Valentine's Day, Josiah!"

February 22, 2017

"Josiah, 11:11. Yes!" Stella said.

"Yes?" Nagtatakang tanong ni Josiah.

"Yep. Ayaw mo ba?" Natatawang sabi ni Stella. Bahagyang napaisip si Josiah sa 'yes' nito.

"W-Wait...what? Sinasagot mo na ako? So, we're in a relationship na?!" Hindi makapaniwalang paninigurado ni Josiah.

"I love you, my love"

March 22, 2017

"Love, nasaan ka na?" Tanong ni Josiah sa telepono.

"Wait lang, Love. Malapit na ako. Konti na lang, magkikita na tayo"

February 22, 2019

"I'm sorry, Love. Kinausap ako ni Dad" malungkot na sabi ni Josiah kay Stella.

"Ayos lang. Nakaabot ka pa naman" nakangiting sabi ni Stella kay Josiah at niyakap niya ito. Hindi din nagtagal ito dahil agad din na bumitaw si Josiah.

"Uhm... Stella. I would like to tell you something. Kinausap ako ni Dad para sa isang wedding proposal"

"Wedding proposal? Nagpropropose ka ba ngayon?" Nasasabik na sabi ni Stella.

"Love, hindi. I'm sorry. Gusto ni Dad na magpakasal ako sa isang babae na kayang protektahan ang family namin"

"W-what? Ma-magpapakasal ka sa i-ibang ba-babae?" Naiiyak na sabi ni Stella.

"Wala akong choice kundi isave yung family namin. Alam mo namang nanganganib yung buhay ko or namin ngayon 'di ba?"

"Pa-paano ako? Pa-paano yung relationship natin? Are you letting me go?"

"Hindi. Ayokong mawala ka sa akin. Ikaw naman yung mahal ko e. Ikaw lang yung nag-iisang babae sa puso ko kaya hindi kita hahayaang mawala sa akin"

"What if, sabihin na natin sa family mo yung relationship natin?"

"Hindi pwede. Ayokong madamay ka sa gulo ng family namin. Huwag mo na isipin iyon. Kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko sa iyo. Tara, let's eat. Sakto, madaming pagkain. Ikaw ba lahat naghanda nito?" Tanong ni Josiah na parang walang nangyari.

"O-oo"

"Anong meron? Bakit ganito kadami 'yung hinanda mo, Love?" Nadismaya si Stella sa tinanong ni Josiah.

"H-huh? Wa-wala. Wala naman. Gusto ko lang maghanda para sayo"

"Tara, kumain na tayo" aya ni Josiah.

"Inaantok na 'ko, Love. Bukas na lang siguro ako kakain haha" pilit na ngiting sagot ni Stella at pumunta na ng kwarto.

"11:11. Happy 2nd Anniversary, Love" malungkot na sabi ni Stella sa isip bago ito pumikit at natulog.

February 22, 2021

"Sabi nila, pwede daw magwish kapag tumungtong ang kamay ng orasan sa 11:11" sabi ni Stella at saka pumikit.

'I wish in the another life, I will never meet you again'

You know what was Stella Eleanor means?
Stella means star. Eleanor means bright or shining one.

But, the most painful meaning of this is she's not the star and shining one of the man her loved.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top