CHAPTER 9
IKASIYAM
---------
(Music Video below. Video not mine. ©)
Ilang araw ang nakakalipas ay burol na ni Lola. Ang hirap pa ring tanggapin. Lalo na't umpisa pa lang ng taon ay malungkot na. Paano pa kaya ang mga susunod na araw? Minsan na nga lang kami magkita, ang huli pa ay sa libing niya.
"Condolence po, Tita" rinig kong sabi ni Levi.
"Maraming Salamat, hijo"
"Si Stella po?"
"Nasa harap ng kabao ng Lola niya. Nako, hindi pa nga kumakain simula noong isang araw pa. Paborito kasi siyang apo kaya mahal na mahal niya ang Lola niya"
"Sige po. Salamat po"
Napansin kong tumabi sa akin si Levi. Nagpaalam ako sa kanya na hindi muna ako papasok ng ilang araw. Hindi ko naman inexpect na pupunta siya dito para makiramay.
"What do you want to eat?" Tanong niya ngunit hindi ako umimik.
"Stella, hindi matutuwa ang Lola mo kung hindi ka kumakain ng maayos" sabi pa nito.
Doon ay nag-umpisa na naman akong umiyak. Hindi ko mapigilan dahil sobrang sakit pa rin. Kahit wala ng luhang pumapatak dito ay hindi ko pa din mapigilan.
"Shh... Stop it. Pangit ka na nga, lalo ka pang papangit. Nakakahiya sa mga bisita n'yo" nandilim ang paningin ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama at dahil doon ay nagmamadali siyang tumakbo.
"Yahh!" Sigaw ko dito.
"Huwag kang magpapahuli sakin!" Sigaw ko sa kanya. Paikot ikot lang kami sa bahay at walang pakialam sa mga bisita.
"Kung mahuli mo 'ko, bansot!" Sagot nito at sinulyapan pa 'ko habang patuloy na tumatakbo.
"Halika nga dito, dugyot!" Napatigil ako ng makita si Mama na papalit palit ang tingin sa'ming dalawa. Bahagya pa itong napangiti.
Kahit papaano ay napangiti ako ni Levi. Para kaming mga bata na naghahabulan. Ngayon ko lamang naranasan na makipaglaro.
"Kumain ka muna, 'nak" sabi ni Mama at inabot sa akin ang tray na may lamang kanin at ulam.
"Pinagluto kita ng paborito mong ulam. Dinagdagan ko na rin para sa inyo ng kaibigan mo" nakita ko namang narito na din si Levi.
Inaya ko siya sa dining table namin para kumain at hindi naman ito tumanggi.
"Your mother is good at cooking" sabi nito at sarap na sarap sa luto ni Mama.
"Syempre naman. Baka Mama ko 'yan" proud na sabi ko.
"Sana all may Mama" pabiro ngunit malungkot na sabi nito.
"Sigurado akong proud sayo ang Mama mo. Biruin mo, naging successful yung Company n'yo dahil sayo" tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Kaya nga kapag bumagsak ito, my Dad will disappointed. Bata pa lang ako pinalaki na 'ko bilang tagapagmana ng Kompanya. Hindi ko na nagagawa yung gusto kong gawin dahil laging sila yung nagdedesisyon. Pati nga sa kaibigan ko, sila nagdedesisyon"
"Baka naman ginagawa lang niya 'yon para sa future mo"
"Ginagawa niya 'yon para sa pangalan niya"
Mga ilang sandali pa ay dumating si Mama.
"Tapos na kayo? Nandito na yung maglilibing sa Lola mo" pag-inform ni Mama. Ngumiti ako dito at sinagot siya.
"Liligpitin ko na po ito. Susunod na lang po kami ni Levi" sabi ko at umalis na si Mama.
"Tulungan na kita" alok ni Levi.
"Huwag na. Madali lang naman ito" ngunit mapilit ito at kinuha ang mga natirang plato sa lamesa at sinundan ako.
--fast forward--
(Music Video below. Video not mine. ©)
Matapos ang ceremony ay nag-umpisa na kaming ihagis ang mga bulaklak at magpalipad ng mga lobo.
Ngunit may hindi maipaliwanag ang lalong nagpaiyak sa akin.
Ang puting lobong aking binitawan ay pilit na bumabalik sa akin.
Senyales na ayaw pa akong iwan ni Lola. Kinuha ko ito at niyakap ng mahigpit.
"Pa-paalam, Lola. Hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal po kita" niyakap ako ni Mama.
Pagtapos kong tuluyan na magpaalam ay binitawan ko na ang lobo at ito'y lumipad na sa paitaas.
"Mag-iingat ka po, Lola..."
Pagtapos noon ay bumalik na kami sa bahay.
"When will you back to work?" Levi asked.
Nandito kami sa loob ng kotse niya. Pabalik na siya ng Manila. Hindi naman pwedeng magstay siya dito dahil President siya ng Company.
"Sa Monday siguro" sagot ko. Friday kasi ngayon. Uuwi din kami. Pero, babalik kami dito after 40 days.
"Sunduin ko na kayo? Tawagan mo na lang ako or text" alok nito.
"Hindi na. Kaya naman namin ni Mama. Sapat na ang pakikiramay mo sa amin. Thank you ulit"
"Nako. Maliit na bagay. Nandito lang naman ako para sa inyo. Lalo na't dalawa lang kayo ng Mama mo at parehas pa kayong babae"
"Salamat na lang sa concern. Mag-iingat ka na lang. Baka maligaw ka?"
"I can handle it. Mag-iingat din kayo. Text me if you're in the Manila"
"Okay"
Nagpaalam na ito at tuluyang umalis.
Pagbalik ko sa bahay ay naabutan ko si Mama at Tita na nag-aaway.
"Hindi nga pwede!" Rinig ko ang galit sa boses ni Mama.
"Clarissa, patay na si Mama! Ako yung nakasama niya dito simula nung iniwan n'yo kami at sumama ka doon sa lalaki mo!"
Naguluhan ako sa sinabi ni Tita. Sinong lalaki?
"Ma, sinong lalaki?" Tanong ko.
Nagulat sila sa akin. Dahil hindi nila ako nakita noong nag-uusap nila. Akala nila ay nasa labas ako.
"Ma? Ano'ng ibig sabihin nito?" Kinakabahan na tanong ko at diretsong nakatingin kay Mama.
"Hanggang ngayon hindi alam ng anak mo?! Ilang taon na ang lumipas!" Sabi ni Tita.
"Tita, ano po 'yon?" Tanong ko. Ngunit pati ito ay hinihintay na magsalita si Mama.
"Wala bang magsasalita?! Ano ba'ng sikretong tinatago n'yo sa akin?!" Ulit ko.
"Malandi lang naman 'yang Nanay mo!" Galit na sabi ni Tita.
Malandi? Bakit? Paano? Ano ba talaga?! Naguguluhan na 'ko! Kakamatay lang ni Lola. May bago na namang problema?! Ganito ba ang simula ng 2017 namin?! Puro na lang problema?! Hindi na natapos tapos.
..........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top