CHAPTER 6

IKAANIM

---------

Kinabukasan, nalate ako. Pero, reasonable naman dahil madaling araw na kami nakauwi galing sa Party.

"You're late!" bungad sa akin ng hindi ko nakikilalang matandang lalaki.

"I'm really sorry, Sir. But -----"

"You don't need to explain. You're fired!"

W-what? Who is he? Why do he need to fired me?

"P-please don't, Sir. I re-really need a job. It will not happen again" tears filled my eyes.

"We don't need a unresponsible worker in our Company. Hindi porket mataas ang posisyon mo ay excuse ka na. May obligasyon ka din, Ms. Parker"

Sino ba 'to?! Ayoko namang itanong dahil baka mas lalong lumama pero baka may mataas siyang posisyon. Pero, kahit ganon. Ayokong mawalan ng trabaho. I thought this was the best company.

"Dad" tumingin ako sa nagsalita. Si Levi. Ibig sabihin, Daddy niya ang lalaking nasa harapan ko?! Mas mataas pa ang posisyon kay Levi.

"You don't need to do that" dugtong nito.

"Don't tell me, ganito mo patakbuhin ang kompanya natin? Hinahayaan mo lang ang mga tamad mong empleyado?"

"Dad. Please come to my office. I'll explain to you everything" sabay silang tumungo sa office ni Levi.

Sana hindi ako mawalan ng trabaho. Ilang buwan pa lang ako dito.

Pinagtitinginan ako ng mga co-workers ko. Mga bulong bulungan din na ayokong marinig sa kanila noon pa.

"Napakasipsip talaga"

"Mabuti nga lang na masesante siya. Ilang linggo pa lang sa trabaho noon, naging secretary agad. Samantalang tayo, ilang taon na tayo dito pero hindi tayo napropromote"

"Marami ring galit sa kaniya. Tuwing nakikita ko nga 'yan. Nag-iinit ang ulo ko"

Hindi ko na pinansin pa ang iilang mga bulungan. Pumunta na ako sa office ko. Nakatulala at iniisip ang mga maaaring mangyari sa akin sa mga susunod na araw.

Napatayo ako ng pumasok si Levi sa office ko.

"Ano'ng balita? Matatanggal ba 'ko?"

"Hindi. Never. Inexplain ko na kay Dad ang lahat and he understands. I'm sorry for what my Dad's say. Masyado lang siyang protective sa company"

"I understand. Thank you, Levi" I hugged him.

"Anytime. Hindi kita pababayaan, Stella" sabi nito.

Mga ilang minuto lang ay umalis na siya.

1 message from Josiah Zane Lowell

Josiah Zane Lowell: How's yesterday? I'm sorry I didn't chat you. I'm busy yesterday and anong oras na 'ko nakauwi.

Stella Eleanor Parker: I understand but I'm okay. Kinabahan pa nga 'ko kanina.

Josiah Zane Lowell: Why? What happened? Is everything okay?

Stella Eleanor Parker: Muntikan na 'ko mawalan ng trabaho. Mabuti na lang at nagkaintindihan at naayos.

Josiah Zane Lowell: I'm happy to hear that. Btw, 2 months na tayong magkaibigan!

Stella Eleanor Parker: Really? Ang tagal na din pala. Parang kailan lang naglolokohan pa tayo.

Josiah Zane Lowell: Yep. The time was so fast.

Stella Eleanor Parker: You know what? Sa company ng aking pinapasukan ang daming galit sa akin.

Josiah Zane Lowell: What? Why?

Stella Eleanor Parker: Kaclose ko kasi yung President ng Company namin. After a few weeks, nagresign yung secretary niya. He offered me to replace his secretary. Nung una, tumanggi ako. Pero, sayang din kasi yung sweldo non kaya tinanggap ko na.

Josiah Zane Lowell: It's okay. Don't mind them. You deserves your position now. Hindi ka naman pipiliin ng President n'yo kung hindi mo kaya ang posisyon na 'yon. Right?

Stella Eleanor Parker: Thank you! Dahil sayo hindi ako nawawalan ng pag-asa. Pinalakas mo ang fighting spirits ko.

Josiah Zane Lowell: Everything for you, Stella.

Nagpaalam na din kami sa isa't isa dahil marami pa kaming gagawin. Lalo na 'ko, gusto kong bumawi. Aagahan at gagalingan ko sa trabaho ko. Papatunayan ko sa kanila na karapat dapat ako sa posisyon kong ito.

After a few hours...

It's already evening. Mga ilang minuto na lang cut off na ng work time ko.

"Let's go? Hatid na kita" alok ni Levi.

"Sus. Ba't parang ang bait mo ngayon? May sakit ka ba?"

"Wala 'no. Ayaw mo? Edi don't" pagsusungit nito.

"Arte mo naman. Babae ka ba? Don't tell me you're a g--"

"Shut up. Kung alam ko lang, hinayaan na kitang matanggal sa trabaho"

"Sorry na. Eto naman, hindi mabiro" hindi ko sinasadyang nakaltukan ko siya. Sana hindi malakas hehe.

"F*ck. Masakit 'yon ah" aambahan na niya sana ako ng tumakbo ako papasok sa kotse niya.

Ang bagal naman niya tumakbo. Naghintay pa 'ko ng ilang segundo.

"Kapal mo ahh. Iniwan mo pa talaga yung gamit mo" sabi nito ng makasakay sa driver's seat. Iniabot niya sa akin ang naiwan kong bag.

"Pasensya na hehe. Ikaw kasi e!"

"Kasalanan ko pa ha! Sino ba unang kumaltok?!" Matapang na sigaw nito.

"Kahit na! Pikon ka kasi kaya ka gumaganti!"

"O sige nga. Kapag ikaw ba kinaltukan ko, hindi ka gaganti?!"

"Hindi" diretsong sagot ko. Nakatingin ako sa bintana kaya hindi ko napansin ang napakasakit niyang kaltok.

Matanong ko lang, makukulong ba 'ko kapag nakapatay ako?🙂

"Hayuf ka! Bakit mo 'ko kinaltukan?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ka gaganti 'di ba?" Pang-aasar nito.

Pigilan n'yo 'ko. Makakapatay talaga ako🙂

Sandali pa kaming nagtalo dito at napagdesyunan na naming umuwi.

"Maraming salamat, tukmol!"

"May sinasabi ka ba, bansot?!"

"Sabi ko. Lumayas ka na, bago pa magdilim ang paningin ko at hindi ka makauwing buhay sa bahay n'yo"

"Ahh. Killer ka na ngayon, bansot?" Pang-uulit nito. Ayoko pang makulong. Pramis🙂

"Gusto mo ba talagang malaman?" Sabi ko habang kunwaring naghahanap sa paligid ng pwedeng ibato sa kaniya.

"No. Thanks. Sabi ko nga. Aalis na 'ko" sabi nito at dali daling umalis.

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top