CHAPTER 4

IKAAPAT

---------

Ilang linggo na ako dito sa Company. Masaya ako dahil hindi ko inexpect na magiging kaclose ko yung boss ko dito, which is si Levi. I think, he is the best boss ever.

It's weekend. Walang pasok kaya nandito lang ako ngayon sa bahay. Hindi pa umuuwi si Mama. Nasanay na din ako magluto dahil mahirap na palagi na lang ako bumibili sa labas. Para na rin hindi masira yung stocks namin dito sa bahay.

Levi's calling...

"What's up?" Bungad ko.

["Busy ka?"]

"Hindi naman. May sasabihin ka ba?"

["Do you want to be my Secretary?"]

"Wait. What?! Seriously? Me? Why me? Paano yung dati mong Secretary? Don't tell me, tinanggal mo siya sa trabaho? Levi?"

["Relax haha. No, I'm not. She's good and responsible, but she resigned"]

"Bakit daw?"

["I don't know. So, ano?"]

"Anong ano?" I asked.

["Gusto mo ba?"]

"Of course, gusto ko. Pero, Levi. Baka may mas deserving sa position?"

["Stella, wala ka bang tiwala sa galing mo?"]

"Hindi naman. 1 week pa lang ako sa trabaho. Baka magalit yung iba"

["Okay. I think about it. But, kung magbago ang isip mo. Sabihin mo lang"]

I ended the call.

Gusto ko namang mapromote pero hindi pa ngayon. Baka masabihan pa 'kong sipsip. Mahirap na. Ayoko ng away. Ayoko ding magkaroon ng issue.

1 message from Josiah Zane Lowell.

Josiah Zane Lowell: It's been a week.

Stella Eleanor Parker: What?

Josiah Zane Lowell: Ang sabi ko, isang week na tayong hindi nagchachat.

Stella Eleanor Parker: So?

Josiah Zane Lowell: Suplada. I thought you're kind and friendly.

Stella Eleanor Parker: Charr lang! Hindi ako suplada 'no.

Josiah Zane Lowell: How's your weekend?

Stella Eleanor Parker: As usual, boring. But, It's normal for me.

Josiah Zane Lowell: How? Why?

Stella Eleanor Parker: Mahabang kwento. But, I'm always alone.

Humaba na ng humaba ang usapan, hanggang sa hindi ko na namalayan na gabi na pala. Nagpaalam na 'ko sa kaniya dahil may work pa ako bukas.

Kinabukasan...

Happy Monday! Maraming tao ang ayaw sa Weekdays dahil daw trabaho na naman. But, for me. I love weekdays. Dahil, mas gusto kong pumasok sa trabaho kesa ang tumambay sa bahay namin mag-isa.

Palabas na sana ako ng bahay ng may kumatok sa pinto.

"Good Morning!" Masiglang bati nito.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" Nagtatakang tanong ko. Hanggang bus station lang naman kami.

"Sinundan kita nung Friday?" He silently laughed.

"Stalker ka na ahh"

"Papasok ka na? Sabay na tayo" alok niya.

"Malamang. Obvious ba? Saka, syempre. Sabay na tayo. Alangan namang magbus pa 'ko kung pwede naman akong sumabay sayo. Tipid na din sa pamasahe hehe" sabi ko.

Kinuha ko na ang bag ko at saka sumakay na kami sa kotse niya.

Masarap din pala kapag may kaibigan kang mayaman. Malaking pagtitipid din. Pero, mahirap din. Kasi, judgemental na ang mga tao ngayon. Baka sabihin nila, sipsip at manggagamit lang ako. Alam ko namang hindi totoo 'yon.

"Tatanggapin mo na ba ang alok ko?" Biglang sabi niya.

"So, ano 'to? Kaya mo 'ko sinundo para piliting tanggapin ko ang offer mo?"

"Hindi naman sa ganoon, Stella. Look, malaki ang kita ng Secretary. For sure, malaki ang maiipon mo. Business Women ka, dapat alam mo ang mga bagay na 'yon"

"Yup. Business Women ako. Pero, hindi ako desperada sa pera" huling sabi ko at bumaba na ng sasakyan niya.

Hindi ako galit sa kaniya. Nagbago lang ang mood ko.

Dumeretso na 'ko sa table ko. Hindi ko pa nakikita si Levi simula nung bumaba ako sa kotse niya.

After a few hours...

Breaktime ko ngayon, patayo na sana ako ng may naglapag ng pagkain sa table ko.

"What?!" I asked.

"I-i'm sorry. That's not what I mean" his serious said.

"Adik ka ba?" I laughed.

"Stella, stop it. I'm serious. Please, forgive me" he went poker-face.

"Wala ka namang kasalanan. Hindi naman ako galit sayo. Masyado ka lang talagang seryoso"

"Masyado ka kasing matampuhin. Ang hirap mo palang maging kaibigan"

"Letche ka! Sinasabi mo bang kaya wala akong kaibigan dahil sa ugali ko?!"

"Ikaw nagsabi niyan"

Aba. Tinawanan pa talaga 'ko. Kung hindi ko lang boss 'to, baka nasapak ko na 'to.

"Lumayas ka nga sa harapan ko. Baka kung ano pa magawa ko" sabi ko.

"Ms. Parker, tinataboy mo ba 'ko sa sarili kong kompanya?" He smirked and lifted his eyebrow.

"Sabi ko ho. Maaari n'yo na po akong iwan. Baka po nakakaistorbo ako sa inyo, Sir" madiin na pagkakasabi ko.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo" he gave me a sarcastic smile before he leaved.

After a few hours...

Nandito ako ngayon sa parking lot. Hinihintay si Kumag. Este, si Levi.

"Hoy!" Sigaw ko ng makita ko siya.

"Ang ingay mo! Ang sakit mo sa tenga!"

"Hoyy! Anong masakit sa tenga?! Ganda ganda nga ng boses ko e!" Bulyaw ko dito.

"Sa sobrang ganda, ang sarap sapakan ng bato!"

"Napakasama mo! Kakaltukan kita e!"

"Ano ba'ng pakay mo?" Tanong nito pasakay na sana sa kotse niya.

"Makikisabay hehe"

"Ibang klase ka rin, Stella"

Walang ano anong, sumakay ako sa kotse niya. Walang hiya ako e, ba't ba.

"Nakahanap ka na?" I asked.

"Ng?"

"New Secretary"

"Wala pa. Ikaw pa lang sinasabihan ko"

"Huwag ka na humanap"

"What do you mean? I really need a Secretary as soon as possible. Lalo na't ang dami kong business deals ngayon"

"Kaya ko naman gawin 'yan" pagmamayabang ko.

"Tapos?"

"Alam mo, ang bobo mo talaga. Tinatanggap ko na yung alok mo"

"Makabobo 'to ahh. Boss mo 'ko"

"Sa loob ng Kompanya, nasa labas tayo ngayon"

"Okay. Fine. Bukas na bukas, lilipat ka na sa tapat ng office ko"

"Tingin mo, kaya ko?"

"Nasaan na ang mayabang na Stella?" He laughed at me.

"Hindi ako mayabang 'no. Nagtatanong lang"

"I'm sure, you can. I will help you"

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top