CHAPTER 2
IKALAWA
---------
Alas-syete na ng magising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Lumabas muna ako para bumili ng kanin at ulam. Madaming tao sa labas, kasi mga ganitong oras umuuwi 'yung mga workers. Sana all may trabaho huhu.
Bumili muna ako ng barbecue at isaw. Namiss ko 'to! Matagal tagal na din nung huli akong kumain nito. Madalas kasi sa office ako kumakain kaya hindi na 'ko nakakakain ng street foods.
Pagtapos noon ay umuwi na ako sa bahay at kumain. Hinugasan ko na ang mga plato na ginamit ko. Nagsipilyo na din ako at nilock ang pinto't bintana. Dumeretso na 'ko sa kwarto ko.
Nagcellphone muli ako para malibang ang sarili ko, pero nabobored pa rin ako. Dahil wala naman akong kachat at magawa. Tinry ko yung nauusong app ngayon. Which is, yung Lovechat. This is my first time na gagawin ko ito. Nacurious lang ako HAHHAHAHA.
A/N: Lovechat is not a legit app. It was a app like Omegle, Litmatch and etc.
Naglog-in ako dito, dahil ayun ang unang lumabas.
'11:11'
"Hi" he said on chat.
"Hello" I answered back.
Bahagya pa kaming nag-usap.
"Do you have a boyfriend?" Tanong niya.
"Bakit mo tinatanong?"
"I'm just asking. If you don't want to answer, it's okay"
"By now, wala pa"
"Gusto mo ba?"
"What do you mean?"
"Do you want to have a boyfriend now?"
"Wait. Are you asking me to be your girlfriend?" Natatawang tanong ko.
"Tsk... Assuming"
"Fine. Wala. Wala pa akong boyfriend. Never pa ako nagkaroon. Wala ring nanliligaw sa akin"
"Naghahanap ka ng boyfriend dito?" Tanong niya.
"Nope. Nacurious lang ako kaya gusto kong subukan"
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Hindi pa 'ko inaantok. Obvious ba?"
"Ang suplada mo naman"
Ayan ang huling chat naman at hindi ko na siya nireplyan pang muli. Hindi naman pala ganon kasaya ang Lovechat na 'yon.
Kinabukasan, maaga akong gumising dahil bibili pa ako ng agahan ko dahil binanggit ni Mama na hindi pa siya makakauwi bukas. Sa susunod nga ay mag-aaral na akong magluto.
Naligo na din ako at inayos ang mga papeles na kailangan sa pag-aapply.
As expected, nakailang company pa bago ako makahanap ng bakante.
Binigay ko ang mga papeles ko sa isang staff at sinabi niyang bumalik na lang daw ako bukas para sa isang interview.
Malaking company din ito katulad ng huling company na napasukan ko. Sana itong company na ang para sa akin.
Hapon na ng makauwi ako. Pero, worth it naman lahat ng pagod kapag nakahanap ka na ng Regular Job.
Kinagabihan ay bumili lang ako ng ulam at kanin. Maaga akong natulog dahil napagod ako sa paghahanap ng trabaho.
Pasadong 7:00 a.m ng magising ako. Saktong sakto dahil 9 a.m pa ang interview ko. May panahon pa para hindi ako gahulin.
Nagprito lang ako ng itlog at hotdog. Ngayon ko lang nakita na may stock pala kami sa bahay. Pagkatapos noon ay naligo na ako at nagformal attire.
As usual, kailangan na naman magbus dahil hindi pa ako nakakapag-ipon para sa sasakyan na pwede kong magamit.
8:30 a.m ng makapunta ako dito sa company. Sabi ng staff ay umupo lang daw kami sa waiting area at hintayin na tawagin ang pangalan namin.
Kinakabahan ako na naeexcite. Walang kasiguraduhan kung matatanggap ako o hindi pero sana matanggap, dahil hindi ko gugustuhin na makauwi si Mama ng wala akong trabaho.
"Ms. Parker" tawag ng isang staff, hudyat na ako na ang papasok sa loob.
"Stella, galingan mo! Huwag mong sayangin ang pagkakatoon" mahinang bulong ko.
"Ms. Stella Eleanor Parker. Graduating of Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management" bungad sa akin ng isang lalaki na kasing edad ko lamang. Marahil ay isa siyang Supervisor or may katungkulan dito sa Company.
"Yes po" nakangiting sabi ko.
"Why do you choose Business and Management Education?" Unang tanong niya.
"Pangarap po kasi ng mga magulang ko 'yan noong sila'y mga bata pa lamang at dahil ako naman po ang dahilan kung bakit naudlot ang kanilang pangarap, gusto ko pong ako na mismo ang tumupad noon"
"Why you were fired from your last job?"
"Hindi ko po alam na pwede po palang kasuhan ng Plagiarism yung nagawa ko pong Marketing Plan"
"You're making a Marketing Plan, even though you're only a Regular Worker?" Tanong niya.
"Opo"
"Nakakapagtaka lang na sa tagal ko sa business industry ay ngayon lang ako naka-encounter ng Regular Worker na gumagawa ng Marketing Plan. Kadalasan ay mga Supervisor o mga Leaders ang gumagawa niyan"
Ano?! Ibig sabihin, trabaho dapat ng Supervisor namin 'yon? Walang hiya pala talaga yung Supervisor namin. Mabuti na lang at nakaalis na ako sa Company na 'yon. Kung ganoon, sumusweldo siya ng hindi siya ang gumagawa ng trabaho niya?! Aba, napaka-unfair naman yata noon. Mabuti na lamang ay nabanggit ito ng lalaking nasa harap ko ngayon.
"You have a good working background. You're also a smart person" sabi niya.
"Thank you po"
"Congratulation, Ms. Parker. You passed the interview. You can start tomorrow. I'm Levi Asher Miller. The President of this Company"
May trabaho na ako! Mabuti naman at natanggap agad ako habang hindi pa umuuwi si Mama.
Hapon na ng makauwi ako. Kumain kasi muna ako sa isang Fast Food Chain noong Lunch Time. Nang makauwi na ako at makapagligpit ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga. Naisipan kong tawagan si Mama kung ano na ang balita.
"Ma, kamusta na po?" Bungad ko sa kabilang linya.
["Nasa Hospital pa rin ang Lola mo. Nastroke siya dahil sa init"] sagot ni Mama.
"Stroke? Hindi po ba ay kailangan ng Therapy niyan?"
["Ayun na nga. Hindi pa namin alam kung saan kami kukuha ng pera. Alam mo naman, mahirap ang buhay"]
"Edi, magtatagal po kayo diyan bago kayo umuwi?"
["Nako, oo. Baka abutin ako ng isang buwan dito. Delikado ang lagay ng Lola mo lalo na't may edad na siya. Mahihirapan siyang lumaban dahil mahina na ang resistensya niya"]
Nag-usap pa kami ng bahagya bago ako natulog.
..........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top