CHAPTER 19
IKALABING-SIYAM
---------
(Music Video below. Video not mine. ©)
"Sapat na ba lahat ng dahilan na iyon para pakawalan mo ako? Sapat na ba lahat ng sakit na naranasan ko para matigil na? Kasi kung hindi pa, hindi ko na kakayanin. Hindi ko na alam gagawin ko kung may mawala pa sa akin. Pero, teka. May mawawala pa ba sa akin kung lahat ng meron ako noon nawala na? Magandang buhay, maayos na trabaho, si Mama, kalayaan at iba pa. Lahat ng iyan meron ako bago ka pa dumating sa buhay ko..."
"Gusto ko lang sabihin na Stella ang pangalan ko. Nangangako ka kay Stella, Josiah. Simula nung dumating si Ellys, parang sa kanya mo tinutupad 'yung mga pangakong iniwan mo sa akin..."
"Bumagsak 'yung Company nila Levi dahil sa akin. Dahil mas pinili kong protektahan 'yung Company mo. Ginawan ko ng paraan para hindi bumagsak 'yung Company mo kahit kapalit noon ay kaibigan ko pa. Nagsisisi ako dahil sobra kong nasaktan 'yung kaibigan kong laging nandiyan para sa akin. Kahit sa kabila ng pain na binigay ko sa kanya, hindi niya ako iniwan. Pero, ikaw? Nasaan ka para protektahan ako? Nasaan ka noong kailangan ko ng pagmamahal mula sa iyo? Nasaan ka noong hinahanap kita?! Binigay ko lahat sayo, pati buong patience ko. Ngayong gusto kitang patawarin? Sorry, hinding hindi ko kayang patawarin ka sa kabila ng lahat ng naranasan ko sayo. Btw, bago ka umalis. I want to let you know na sa isang mascarade party tayo unang nagkita. Kung saan nagkabungguan tayo. Thank you for being my first and last boyfriend. I think this was the end. Hihilingin ko na lang na sana eto na 'yung huli nating pagkikita. Alagaan n'yo na lang ang anak n'yo dahil alam ko kung gaano kasakit mawalan ng anak" huling sabi ko at pinaalis ko na siya.
After a few months...
Kasama ko si Levi ngayon at bigla kong naramdaman na parang nahihirapan akong huminga.
"Stella, are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa Hospital?" Nag-aalalang sabi ni Levi. Nginitian ko siya at pinakitang okay lang ako.
"Yes. Don't worry. I'm okay" pagsisinungaling ko.
Kaunting katahimikan ang bumalot sa amin. Pinutol ko ito at kinapalan na ang mukha ko.
"Levi, can I ask for a favor?"
"Sure. What is it?"
"Pwede bang pumunta tayo ng sementeryo?"
Hindi na siya nagtanong pa. Bagkus ay pinagbigyan niya ako.
(Music Video below. Video not mine. ©)
Kaya 'wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata, ta'na
Pahinga muna, ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mama, pahinga muna
Ako na
"Ma, I'm sorry. Alam kong ang dami kong pagkukulang at pagkakamali sayo. Kahit sinumbatan kita, ginawa mo pa din lahat para sa akin. Kahit sa kamatayan mo pa. Sobra akong nagsisisi dahil nadamay ka. Sa harap mo, Ma. Pinapakilala ko si Levi. Alam kong kilala n'yo na siya. Naging mabuti at mabait po siya"
"Stella..."
"Ma, I like Levi. Gusto ko sa huling pagkakataon ko, masabi ko man lang sa kanya na gusto ko siya. Kaya sa huling pagkakataon gusto kong humiling sa kanya na sana balang araw makahanap siya ng babaeng mamahalin siya ng buong buo. Babaeng deserving na mahalin siya"
"Stella, a-a-ano bang sinasabi mo?" I see the tears on his face.
"I'm sorry. Sana sa huling hininga ko, mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Pinasaya mo ako everytime na malungkot ako. Lagi kang nandiyan tuwing may problema ako. Ang dami kong pagkukulang at pagkakamali sayo. Gusto kong bumawi sayo pero hindi ko na magagawa pa, kaya sa huling pagkakataon hihilingin ko na makatagpo ka ng babaeng mamahalin ka. Pwede ba?"
"Stella, no. Ano'ng huling hininga ba ang sinasabi mo? Hindi pwede. Hindi ko hahayaan! Dadalhin kita sa Hospital!" Tumayo na siya ngunit pinigilan ko siya.
"Levi, sigurado akong naghihintay na sa akin si Mama, Papa at anak ko. Hindi ka ba magiging masaya para sa akin? Hindi na ako makakaranas ng hirap at sakit. You're a good person and friend of mine. Thank you for everything"
Tumingin ako sa orasan at eto na ang hinihintay kong oras.
11:11
"Sabi nila kapag tumungtong ang orasan sa 11:11 pwede kang humiling"
Pumikit ako at humiling sa huling pagkakataon.
"11:11. I wish in the next life, I will never met you again, Josiah"
...
I'm Stella Eleanor Parker, the woman who became a fool in love. I lost my child in a case that I never did. The man I love did not listen to me. My mother died at the hands of their family.
My parents gave me the name of Stella Eleanor which means star and shining one but in the real life. I'm not the star and shining one of my man. I'm just a mistress who has no right to her own property.
A woman who gave her pain by her beloved man for many years...
We met each other by hi and hello but we end our relationship to sorry and goodbye.
And this is the end of my story. A story that never had a happy ending.
..........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top