CHAPTER 18

IKALABING-WALO

---------

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa silid. Hindi ko maalala kung bakit at papaano ako napunta dito.

"Stella, you're awake. How was your feel?" Levi asked.

"A-anong nangyari? Nasaan ako?" I asked.

"You're in the Hospital"

Magtatanong pa sana ako ng biglang pumasok ang Doctor.

"Ms. Parker, I'm sorry" bungad nito.

"Ano po ba'ng meron?" Tanong ko.

"You lost your baby boy"

"B-b-baby?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes. You're a 3 weeks pregnant, pero nakunan ka. I'm sorry for the bad news"

Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Pagkagulat at pagkalungkot.

"Stella, I have an idea. Sabihin kaya natin kay Josiah----" parehas kami ng naiisip ni Levi. Ngunit, hindi. Hindi ko gagawing rason ang aking namatay na anak para makalaya ako.

"No. We didn't do that"

Eto 'yung pinangarap namin ni Josiah. Ang magkaroon ng sariling anak at pamilya. Ngunit hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

Pinangarap ko noong bata pa lamang ako na kapag nagkaroon ako ng mga anak ay aalagaan ko sila at lagi akong nasa tabi nila.

Dahil sa kasalanang hindi ko naman talaga nagawa, ang daming nagbago sa buhay ko.

Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kaysa makilala ang isang Josiah Zane Lowell na sisirain ang buhay ko. Dahil sa kanya nagbago ang buhay na pinapangarap ko. Ang buhay na hindi naiisin ng ibang tao.

After a few years...

Pagkalipas ng ilang taon binuksan muli ni Levi ang kaso ko. Upang muling patunayan na hindi ako nagkasala.

"This case proven that the poison is not be from food. Lucas Kyle Lowell was proven to have been poisoned with a toy. So, this case is not guilty"

Sa wakas, natapos na ang kaso ko at napatunayan na hindi ako nagkasala. Ang paghihirap ko sa kulungan ay magwawakas na.

"Congratulation, Stella. You deserves a celebration. Saan mo gusto kumain? I treat" masayang bati ni Levi.

"Thank you for everything, Levi. Hindi mo ako iniwan. But, sorry. I don't want to celebrate. All I want is back to our house"

Hinatid niya ako sa bahay namin. Gusto kong mapag-isa at maramdaman ang presensya ni Mama kaya pinauwi ko na siya.

Hindi ko mapigilang malungkot at maluha ngayong nandito na ako sa harap ng aming bahay. Ilang taon na ang lumipas noong huli akong nakatungtong sa bahay namin. Pagkaapak ko pa lamang, samu't saring alaala ang muling nagparamdam sa akin. Simula noong nabubuhay pa si Papa at Mama.

(Music Video below. Video not mine. ©)

"Stella..." Natahimik ako ng makarinig ako ng isang boses.

"Leave me alone" marahang sabi ko.

"I-i'm so-sorry" hinarap ko siya at saka sinampal.

"Sorry? Sa sorry mo ba, mawawala mo lahat ng hirap na naranasan ko?! Sana noong una pa lang sinabi mo na hindi mo ako kayang protektahan!" I didn't realize that my tears slowly down.

"Hindi mo alam kung gaano ako naghirap. Hindi mo ako pinagkatiwalaan. Hindi mo man lang ako pinakinggan. Hinayaan mo akong maghirap sa loob ng kulungan ng wala namang kasalanan! Para ko ng anak si Lucas. Kahit hindi ko siya kadugo, mahal na mahal ko 'yung anak mo. Kahit sa kabila ng sakit na naranasan ko sayo, hindi ako nagtanim ng galit sa kanya at mas lalong hindi ko kayang patayin 'yung bata"

"This time, please forgive me. I promise na hindi na kita guguluhin"

"I have a good and bad news for you. We have a child"

"Nasaan siya? Gusto ko siya makita" sabik na sabi nito.

Binigyan ko siya ng sarcasm na ngiti.

"But the bad news is, i lost him. Noong gabing nalaman kong namatay si Mama. Binugbog ako ng mga kasamahan ko sa kulungan. Doon ko lang nalaman na buntis pala ako. Josiah, ang sakit. Dahil sa isang kasalanang hindi ko namang ginawa, ang daming nawala sa akin. Namatay 'yung Mama ko ng wala ako sa tabi niya. Nawala sa akin 'yung anak ko ng hindi ko pa siya nakikita. Hindi ito 'yung pinangarap kong buhay..."

"Sobra mo akong pinahirapan. Mas madami pa 'yung sakit kaysa 'yung love. Gabi gabi kong tinatanong sa sarili ko. Bakit ikaw pa? Ang dami kong gustong itanong sayo pero wala akong chance na mabigyan mo ng sagot. This time, please sagutin mo ako ng totoo. Minahal mo ba talaga ako?"

"Yes. I loved you so much"

"Josiah! Ang dami na nating pinagdaanan. Hanggang ngayon nagagawa mo pa din magsinungaling sa akin! Ilang beses mo akong pinaniwala sa lintek na pangako mo! Hindi ko na mabilang kung ilang pangako ang hindi mo tinupad. Minsan, naiisip ko na lang kung naging totoo ka ba talaga sa akin noong una pa lamang"

"Stella, ayoko lang madamay ka sa nangyayari sa pamilya namin kaya pinili ko na lang na -----"

"Saktan ako?! Hindi nga ako nakilala ng pamilya mo, sobrang sakit naman ng ginagawa mo! Sana hindi na lang ako naniwala sa Internet Love. Unang araw pa lang ng pagkikita namin, binigyan mo agad ako ng sakit ng ulo. 2nd Anniversary natin, kinalimutan mo at sinabi mo sa akin na ikakasal ka sa ibang babae. Noong araw ng kasal mo, may gustong kumidnap sa akin. Tinatawag kita pero nihindi mo nga man lang ako nilingon para kamustahin. Tatlong buwan kang nawala at hindi nagparamdam sa akin. Pagbalik mo, sinurpresa mo ako sa dala mong masamang balita. Binuntis mo si Ellys. Pinagbintangan n'yo ako. Dahil doon nakaranas ako ng pangbubugbog araw araw. Gabi gabi akong umiiyak. Namatay 'yung Mama at Anak ko habang nasa kulungan ako. Ilang taon akong binubugbog sa kulungan kahit wala naman akong ginagawa"

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top