CHAPTER 15

IKALABING-LIMA

---------

Narito ako sa kasal ng lalaking pinakamamahal ko. Buong araw ay sa kanyang mga mata lamang ako nakatingin.

Sobrang sakit. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw. Lalo na't alam kong simula ngayong araw, wala na sa akin ang buong atensyon niya.

"Hindi ito ang pinangarap kong buhay. Ngunit para sayo, titiisin ko" bulong ko sa aking sarili.

(Music Video below. Video not mine. ©)

Ilang minuto pa naglakad na sa altar ang bride.

A-a-ako dapat 'yon. A-a-ako sana 'yung babaeng hinihintay niya sa harap ng diyos.

Unti-unting tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil gusto ko sa kasal niya maging masaya ako para sa kanya.

"Mamahalin mo pa kaya ako ng buo pagkatapos ng araw na ito?"

...

"I, Josiah Zane Lowell, take you, Ellys Micah Moreno, to be my wife. I promise to be faithful to you, in good times and in bad, in sickness and in health, to love you and to honor you all the days of my life"

...

"Ellys, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit"

...

"Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have, the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride" priest said.

Hindi ko na kinaya. Nagawa ko mang magkunwaring bingi at bulag sa mga binibitawan niyang salita at pangako, hindi ngayon. Dahil ang realidad ay hindi na mapipigilan.

"Stella?" Hindi ko napansin na hinahanap pala ako ni Levi.

"Are you okay?" He asked. Pinunasan ko ang mga luha ko at saka ngumiti sa kanya.

"I will be happy..."

"For him" dugtong ko pa. Bumuntong hininga naman siya at hindi malaman ang sasabihin.

"Do you want to go on reception?" Tanong nito.

"W-why not? I-I'm his gi-girlfriend. Hahanapin niya ako kapag wala ako doon" utal utal na sabi ko.

"Le-let's go?"

Sumakay ako sa kotse niya. Pumunta kami sa venue, sa bahay nila Josiah. Sa loob ng 2 years namin, ngayon lang ako nakapunta ng bahay nila. Dahil hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob para dalhin ako sa bahay nila.

Ilang sandali pa dumating na ang groom at bride na...

Magkaholding hands?

Pinilit kong umiwas sa kanila at nagtagumpay naman ako sa pagpigil ng mga luha ko.

"Hindi ko alam kung natutuwa at proud ka pa na nakikita ko ang mga ginagawa mo" sabi ko sa aking isipan.

After a few hours...

Hindi ko na mapigilan dahil kanina pa ako naccr.

"Levi, where's the comfort room?"

"At inside, gusto mo bang samahan kita?" He offered.

"No, no. Magtatanong na lang ako sa mga maid"

"Sige. Mag-iingat ka"

Pumasok na ako sa loob. Since sa garden lang ang reception kaya malapit lang ang loob ng bahay nila. Sabi ng maid, sa tabi lang daw ng kitchen ay may cr na.

Matatapos na sana ako ng may kumatok sa pinto.

"Is there anyone inside?" Lalaki ito at matanda na ang boses.

Sasagot na sana ako ng marinig kong may tumawag sa kanya.

"Mr. Moreno, what are you doing here?" Sabi ng tumawag dito. Lalaki din ito at matanda din ang boses.

Moreno?

"We're not in a business. We're here on a wedding of our child, Balae"

"Oh, I'm sorry. Nasanay lang, anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"

"Nevermind. Finally, balae na kita. Are you ready to have a grandchild?" Pabirong sabi nito.

"That's too early, but I'm excited. Hopefully, before I died I want to see our grandchild"

"Matagal pa iyan. Huwag mo munang isipin. Don't worry, nakasisigurado ako ngayong gabi. Magkakaroon na tayo ng little children"

"What do you mean?"

Hindi ko na narinig ang sagot nito. Nagretouch muna ako at huminga ng malalim bago lumabas.

"Bakit ngayon ka lang? Hinahanap ka ni-----"

"Josiah?" Pagkumpirma ko. Napaisip ito bago sumagot.

"Stella, no. Your Mom calling you. Naiwan mo dito 'yung phone mo" iwas tingin ni Stella.

"Oww, thank you" dismayadong sabi ko.

I check my phone. Mama called me 5 times.

*Ringing*

"Ma, napatawag ka?" Tanong ko ng sagutin niya ang call back ko.

["Mangangamusta lang sana at ano"]

"Okay lang po ako and what po?"

["Sabi kasi ng kumare ko, nagpakasal daw si Josiah? Nagbreak ba kayo?"]

Napatigil ako bigla at saka muling tumulo ang luha ko. Ayokong sabihin kay Mama. Ayokong magalit siya sa akin. Kilala ko si Mama, alam kong kapag nalaman niya mas masasaktan siya at ayokong saktan si Mama. Siya na lang ang pamilyang natitira sa akin.

Hindi ko inaakalang iaabot sa akin ni Levi ang panyo niya. Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ito. Kinuha ko ito at nginitian siya bilang pasasalamat.

"M-ma, I'm so-sorry" utal utal na sabi ko.

"Hindi po kami naghiwalay. We're okay po. Everything is fine" dugtong ko.

["Sigurado ka? Ayos ka lang? Huwag kang mahihiyang magsabi kay Mama ah. Alam mo namang nag-aalala ako"]

"O-opo. Araw araw ko po kayong babalitaan"

Matapos ang pag-uusap namin ni Mama, bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili.

Napatigil ang lahat ng mamatay ang mga ilaw at magdilim ang paligid.

Napasigaw ang lahat ng makarinig ito ng putok ng baril.

"LOVE!" Paulit-ulit kong sigaw ng may biglang sumakal sa akin.

Wala akong makita. Sobrang dilim ng paligid. Sinabayan pa ng paglitaw ng buwan.

Nawala ang takot ko ng bitiwan ako ng taong sumakal sa akin. Nakarinig ako ng mga suntukan.

"Josiah? Love? Ikaw na ba 'yan?" Tanong ko.

Biglang nagbukas ang mga ilaw. Napatingin ako sa paligid.

What happened? Bakit biglang nawala 'yung taong sumakal sa akin?

"Are you okay?" Napatingin ako sa gilid ko.

"Le-levi?"

Akala ko si Josiah. Akala ko isang tawag ko lang, nandiyan na siya.

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top