CHAPTER 14

IKALABING-APAT

---------

(Music Video below. Video not mine. ©)

"Levi, you're just drunk. Kaya mo bang magmaneho? Sumabay ka na lang sa amin ni Josiah. Hahatid ka na namin" alok ko sa kanya.

"JOSIAH! JOSIAH! JOSIAH! Simula ng sagutin mo siya nakalimutan mo na 'ko!" Sagot nito.

"Ano ba'ng nangyayari sayo?"

"Stella, i like you. Ang tagal kong tinago yung nararamdaman ko sayo. Nihindi nga man lang ako nagkaroon ng time na magtapat sayo. Iniwan mo na lang ako sa ere na parang wala kang ipinangako" umiiyak na sabi nito. Sa loob ng ilang taong magkaibigan namin ni Levi, ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

"Levi, stop it. Lasing ka lang. Hindi mo alam ang mga sinasabi mo"

"Yung gabing humingi ka sa akin ng tulong. Paggising mo, si Josiah agad ang hinanap mo. Nihindi mo nga man lang ako kinamusta kung nasaktan ako. Stella, ako yung nagligtas sayo!"

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam na ganon pala nasaktan si Levi. Ang dami niya palang kinikimkim na sama ng loob sa akin.

"Yung araw na nagmakaawa ka sa akin na huwag na nating ituloy. Binigay ko naman sayo ng buo lahat ng hiling mo! Naging mabait naman ako sayo! Kahit alam ko una pa lang kung sino may ari ng LW Corporation at alam kong kaya ayaw mong ituloy e para sa boyfriend mo!"

A-a-alam ni-niya?

"Le-levi tama na"

"Stella, tell me. Pwede rin bang matigil yung nararamdaman ko sayo? Kasi kung oo, kahit ano gagawin ko. Ang sakit sakit na. Nawalan ka na ng time sa akin. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako! Kasi ako yung nag-eeffort pero hindi mo nakikita!"

Pinakinggan ko siya ng pinakinggan kasi alam kong nagkulang ako sa kanya. Alam kong ang dami kong pagkakamali sa kanya.

"Yung araw na nagresign ka. Nihindi ko nga naisip na magagawa mo akong iwan. Sa bagay, sino ba naman ako? Kaibigan mo nga lang pala ako. Nangako ka sa akin, Stella. Pinangako mo na tutulungan mo ako pero bakit sa kalagitnaan ng laban natin saka ka pa sumuko? Binigo mo ako. Ilang beses kitang pinagtanggol sa Dad ko. Ginawa ko lahat para maprotekhanan ka pero bakit iniwan mo pa rin ako?"

"Levi, I'm sorry"

"Sorry? Sana nga pagkatapos mo magsorry wala na din yung sakit kasi kahit ano pa'ng gawin mo nandon pa din yung memories and at the same time 'yung pain"

"Hindi kita ginustong masaktan..."

"Pero, bakit ako nasasaktan ng ganito?! Gabi gabi, tinatanong ko ang sarili ko kung saan ako nagkamali sayo. Kasi hindi ko matanggap na iniwan mo 'ko para kay Josiah"

"LEVI TAMA NA! SINAKTAN MO DIN AKO NOON! YUNG ARAW NA NAGALIT KA SA AKIN, MUNTIKAN NG MAY MANGYARI SA AKIN!"

"Sabihin mo sa akin, 'yung pinagawa ko ba noong araw na 'yon ay may napala? Pinagalitan o kinuwestyon ba kita noong pinaurong mo 'yung kaso? Kahit alam kong ikasisira ng Kompanya namin, ginawa ko para sayo! Ikaw, nagawa mo ba'ng kamustahin ako sa kabila ng mga nagawa mo?"

"Tama na. Uuwi na tayo. Hahatid ka na namin. Babawi ako. Sorry"

Inalalayan ko siya papasok ng kotse. Walang kaalam alam si Josiah sa mga nangyari. Nakatulog na din si Levi sa loob ng sasakyan sa labis na kalasingan.

--fast forward--

February 22, 2018

Ang bilis ng taon, parang kailan lang kakakilala ko lang sa kanya. Ngayon, magcecelebrate na kami ng 1st Anniversary namin.

Pinasundo niya ako kay Levi. Simula ng magsabi siya sa akin last year, after noon nagkabati na kami and I'm happy for that. Atleast, ngayon kampante na ako na okay na siya.

Nandito kami sa isang restaurant. Kami lang ang nandito. Gaya ng dati 11:11 p.m kami nagdadate.

(Music Video below. Video not mine. ©)

Pagpasok ko sa loob nakarinig ako ng isang band.

(Picture below. Photo not mine. ©)

Napangiti ako ng makita ko siyang kumakanta. Matapos no'n kinuha niya ang aking kamay at sinayaw niya 'ko.

"11:11. Happy 1st Anniversary, my love" sabay naming bati sa isa't isa.

After one year...

February 22, 2019

Last year, siya ang naghanda para sa Anniversary namin. Ngayon, ako naman. I'll making this night memorable.

Tinawagan ko si Mama para magpaturo magluto dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa kusina.

Nagluto ako ng mga paborito niyang pagkain. Napili naming maglive in ni Josiah para makaiwas sa gulo. Matatanda na kami and kung ano mang mangyari sa amin, nasa tamang edad na naman kami. We respect the decision of each other.

Malapit na mag 11 o'clock, kinakabahan ako na baka nakalimutan niya o hindi siya makaabot. Pero, kilala ko si Josiah. Kahit nung nanliligaw pa siya ay hindi niya ako kinakalimutan.

Napangiti ako ng marinig kong may pumasok sa bahay namin. Nakakasiguro akong si Josiah na 'yan.

"Love" umiiyak na tawag nito. What happened?

"Love, ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" Takang tanong ko at nilapitan ko siya.

"I-i'm sorry"

"Don't apologize. Wala kang ginawang kasalanan. Now, calm down and tell me what happened"

"My Dad is in the Hospital"

"Ano'ng nangyari kay Tito? How is he?"

"He attacked by our enemies. Hindi pa rin sila tumitigil but he's okay"

"Then, why are you crying kung okay na pala ang Dad mo?"

"Ayokong gawin sayo 'to. Ayokong humantong tayo sa ganito. My family planned a wedding proposal"

"Hindi ba't masyado pang maaga kung magpapakasal tayo?"

"No , no. I mean, they planning a wedding of me with women who can protect us"

"W-wh-at?" Parang nagunaw ang mundo ko. Unti unting tumulo ang mga luha ko sa harap niya.

"Love, I'm sorry. I need to do this for us and for my family"

"H-how's our relationship? Are you le-letting me g-go?"

"No. I'll never do that. I'll never stop loving you"

"Josiah, paano?! I don't want to be mistress. Alam mo 'yan"

"Love, listen. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Pangako. Kaya, kalimutan mo na yung sinabi ko. Huwag mo na isipin 'yon. Gagawin ko ang lahat para sayo. Kumain na tayo. Nagugutom ka na ba?"

"Bu-busog pa a-ako"

"Sigurado ka? Sakto madaming pagkain. Ayaw mo ba kumain?"

"Inaantok na ako. Mauuna na akong matulog" sabi ko at iniwan siya sa kusina. Tinignan ko pa siya at kumakain na parang walang nangyari.

Nakalimutan mo ba talaga?

"11:11. Happy 2nd Anniversary, L-lo-ve"

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top