CHAPTER 13

IKALABING-TATLO

---------

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kwarto.

Ang huling naaalala ko lamang ay nasaksak ako at dumating si Levi.

Teka? Nasaan si Josiah?

Babangon na sana ako ng pigilan ako ni Levi na nasa tabi ko.

"Stella, magpahinga ka muna. Hindi makakabuti sayo ang kumilos ng kumilos"

"Si Josiah? Nasaan siya? Ayos lang ba siya? Bu-buhay ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Ikinalulungkot ko..." nakayukong sabi nito.

"Nasaan siya?! Gusto ko siya makita!" Mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Stella, bawal" pigil niyang muli sa akin.

"BAKIT BAWAL?!" Naiinis na sabi ko.

"Ash, ano'ng ginagawa mo sa girlfriend ko?" Kuno't noo na sabi ni Josiah.

He's here. He's alive. Thanks, God!

"Love" tawag ko sa kanya.

"I'm sorry for what happened" sabi nito habang papalapit sa akin. Nakawheel chair ito.

"It's okay. Ang mahalaga, buhay ka"

"Mabuti na lang at dumating si Asher. Thank you, bro"

"Magkaibigan kayo?" Takang tanong ko.

"Kanina lang" sagot ni Levi.

"Asher uhm..." Pabirong sabi ko.

"Sige, labas muna ako" paalam ni Levi.

Akala ko, katapusan ko na. If tinatanong n'yo kung okay na kami ni Levi bago ko siya tawagan? No. Hindi pa kami nagkakabati. Mabuti na lang ay naaasahan ko siya kahit magkaaway kami. But, siguro pagtapos nito okay na kami and I'm happy for that.

"Love, sino sila?" Tanong ko.

"Pinagtatangkaan nila ang buhay namin" direktang sagot nito.

Nag-uusap kami ng biglang tumawag si Mama.

"Ma, I'm sorry" bungad ko.

["Ayos ka lang ba? Gusto mo bang puntahan kita? Nahuli na ba yung may gawa sa inyo niyan?"]

"Okay na po ako ngayon. Huwag na po kayo pumunta dito. Uuwi din po ako diyan kapag okay na po ako. Nandito naman po yung kaibigan ko para tulungan ako. Opo, nahuli na po sila kagabi"

["Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ako diyan. Nandito lang ako palagi sayo"]

--fast forward--

April 22, 2017

"Ms. Parker?"

"Lev--- I mean, Ms. Miller?" Wala sa sariling sabi ko.

"May problema ba? Kanina pa kita tinatawag"

"Wala naman po. Ano po'ng kailangan n'yo?"

"Kumpleto na ba ang papeles? Aalis na tayo"

"Ye-yes, Sir" kinakabahan na sagot ko.

Tinignan niya ako ng maigi at saka naglakad. Sinundan ko na lamang siya sa paglalakad.

Natauhan ako ng mauntog ako sa likod niya.

"You're out of your mind. Malalim yata ang iniisip mo. Stella, may problema ba?"

Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob ko.

Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa.

"Stella, ano'ng ginagawa mo?" Takang tanong ni Levi.

"P-please, huwag na natin ituloy yung kaso" nakayukong sabi ko. Alam kong maraming nakatingin sa amin ngayon dahil nasa hallway kami.

"Bakit? Bakit hindi natin itutuloy? Stella, tumayo ka na diyan" tanong niya at inalalayan niya ako tumayo.

"Levi, please huwag na nating ituloy" pagpupumilit ko sa kanya.

"Bakit? Natatakot ka ba? Don't worry, ipapanalo natin ang kaso"

"Hi-hindi. Huwag na natin ituloy, Levi"

Hindi na ito nagtanong pa. Bagkus ay pinagbigyan niya ako. Kinuha niya sa akin ang mga papeles. Isa isa niya itong pinunit at itinapon sa sahig.

"Clean it up" utos niya sa Janitress at saka umalis.

"I'm sorry, Levi. Natatakot ako para kay Josiah. Ayoko siyang kalabanin. Sorry" sabi ko sa isip ko.

--fast forward--

"Stella, nandiyan ka lang pala. Tara sa loob. Nandon yung ibang workers na nagstay"

"Uhm... Levi. Hindi na sana ako magtatagal. May papapirma lang sana ako"

"Nagbibiro ka ba? Hahaha. Tara na sa loob. Marami na nga palang nag-alisan na empleyado. Lalo na doon sa mga nirereklamo ka. Mabuti nga't umalis na sila. Wala ng aaway sayo sa Company" pilit na ngiting kwento nila.

"Levi, i'll resign"

Sa halip na malungkot o magalit siya ay binigyan niya ako ng sarcasm na tawa.

"Sa bagay, kailangan mo nga pala ng maayos na trabaho. Sige, okay lang. Balang araw maibabangon ko ulit itong kompanya" sabi nito at tumingin sa kompanya niya.

"Sorry" malungkot na sabi ko sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Kinuha niya ang resignation letter ko at saka niya pinirmahan.

"Malaya ka na..." Pilit na ngiting sabi nito at saka patalikod na umalis.

After a few months...

"Love, may nag-invite nga pala sa company natin. Gusto mo bang sumama?"

"Para saan daw?"

"Business party siya. Kasama yung ibang malalaking company"

"Sure. Kailan?"

"Tonight at 7 pm"

"Sige. Sasama ako"

7:00 p.m

I'm wearing a simple party dress.

(Picture below. Photo not mine. ©)

Josiah wearing a V neck Long Sleeves and black pants.

(Picture below. Photo not mine. ©)

Nandito na kami sa venue. Maganda ito at sobrang classy tignan.

(Picture below. Photo not mine. ©)

I

sang lalaki ang pumukaw ng atensyon ko. Nagtama ang paningin namin ngunit agad din itong umiwas at bumalik sa kasama niya.

Matagal tagal din kaming hindi nagkita at nagkausap. Kung bibigyan kami ng pagkakataon na makapag-usap, sana katulad pa rin ng dati. Masaya at pabiro.

Wala na akong balita sa kanya simula nung umalis ako sa Company nila.

Alam kong malaki ang pagkakamali ko sa kanya. Sobra akong nagsisisi sa biglaang pag-iwan ko sa kanya.

After a few hours...

Nagpaalam sa akin si Josiah na may kakausapin lang daw siya.

Mula sa table namin nakita ko si Levi. Ibang iba siya sa Levi na kaibigan ko noon. Ang dating Levi na mabait sa bawat tao. Hindi umiinom at magalang sa lahat ng kausap niya ay nagbago. Tanaw na tanaw ko dito si Levi na lasing na lasing at nakikipagtawanan sa mga magagandang babae. Para sa akin, ang pangit tignan dahil alam kong hindi ganon ang gawain ni Levi.

Kahit single siya, hindi siya nakikipagharutan sa mga babae. Mas lalong hindi niya bisyo ang magpakalasing.

Ano'ng nangyari sa kanya? Ano'ng nangyari sa dating Levi na kilala ko?

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top