CHAPTER 12

IKALABING-DALAWA

---------

"GET OUT OF MY OFFICE, NOW!" tanging sagot nito.

"Levi -----" nagulat pa ako ng ihagis niya ang isang babasaging picture frame na nasa lamesa niya dahil sa sobrang galit.

"I SAID, GET OUT!" Ulit nito.

Wala na 'kong magawa kung hindi ang lisanin ang office niya. Bumungad sa akin ang mga matatalim na tingin ng mga tao sa paligid.

After a few hours...

It's already 11 o'clock in evening. Ngayon ko lamang natapos ang petition paper na kakailanganin sa kaso.

Kinakabahan akong pumunta sa office ni Levi. Pagpasok ko dito ay katahimikan ang bumungad.

"Ms. Miller, eto na po yung mga papers para sa kaso" sabi ko at ibinaba ko 'yon sa table niya.

"You can go now" walang reaksyong sabi niya.

"But, Levi -----"

"Kung wala ka ng kailangan ay maaari ka ng umalis" ulit pa nito.

Bumalik na 'ko sa table ko at kinuha ang mga gamit ko saka naghintay ng masasakyan. Alam ko namang hindi ako isasabay ni Levi ngayon at ayoko siyang pilitin dahil baka lalo pang lumala ang away namin.

Mga tatlumpung minuto pa akong naghintay. Napansin kong may mga lasing na lalaki ang papalapit sa akin kaya kinabahan ako. Mabuti na lamang ay may bigla akong nakitang taxi kaya ligtas akong nakauwi sa bahay.

Pagkauwi ko ay tulog na pala si Mama. Pag-open ko ng phone, kanina pa pala tumatawag si Josiah.

Josiah Zane Lowell
Active Now

Josiah Zane Lowell: Is everything okay?

Stella Eleanor Parker: Yes. Slr. Kakauwi ko lang from work.

Nang maseen niya ito ay tinawagan niya 'ko bigla. Marahil ay kanina pa niya ako hinihintay.

["Are you tired?"]

"Yes. Super, ang dami kasing mga unexpected na nangyari ngayong araw. Sorry, ngayon ko lang nasagot yung tawag mo"

["Ano ba'ng nangyari?"]

"Hindi ko din alam kung bakit, yung kaibigan or boss ko kasi nagalit sa akin. First time niya lang nagalit sa akin because of work. Ang sakit kasi ng mga binitawan niyang salita"

["Galit ka ba? May balak ka ba'ng umalis sa trabaho? You can apply on my company"]

"May sarili kang kompanya?"

["Uhm... Yes. Ayoko kasing maoffend ka kapag nalaman mo. Sorry kung tinago ko sayo sa mahabang panahon"]

"It's okay. Thank you na lang sa offer. Pero, hindi ako magreresign ngayon"

["Okay. If ever na magbago ang isip mo, don't forget to call me"]

"Sige. Thank you. Ano nga palang company name?"

["LW Corporation"]

Ano?! Siya may ari ng kalaban naming kompanya? Bakit? Bakit siya pa?

["May problema ba? Natahimik ka bigla?"]

"Uhm... Wala naman. See you next week! Goodnight, my love"

["Sleep well! I love you"]

"I love you too!" Huling sabi ko at pinatay na ang tawag.

March 22, 2017

Nagsuot lamang ako ng casual dress.

(Picture below. Photo not mine. ©)

Kasalukuyan akong nasa bus at papunta sa lugar kung saan kami magkikita. Medyo malayo ito ngunit sanay na ako dahil dati ay lumuluwas ako sa probinsya mag-isa.

Nakakatakot? Oo. Lalo na't palubog na ang araw. Syempre hindi magiging special ang gabing ito kung hindi eksaktong 11:11.

1 message from Josiah Zane Lowell

Josiah Zane Lowell: Where are you?

Stella Eleanor Parker: Malapit na 'ko. Don't worry. How about you?

Josiah Zane Lowell: I'm here na. Hintayin na lang kita. Mag-iingat ka, Love.

Nandito na 'ko sa lugar. Medyo madilim at walang tao. Hinanap ko siya sa paligid at eksaktong nakita ko siya. Napatingin ako sa suot kong wrist watch. 11:10 pa lang kaya naghintay ako ng isang minuto.

11:11

"Love!" Nakangiting tawag ko sa kanya.

Sinalubong naman niya ako ng matamis na yakap.

"Finally. Nagkita na rin tayo!" Sabi nito.

"Nagugutom ka ba? Let's go. Nagpareserve ako sa Italian Restaurant" aya nito. Nginitian ko ito at tinanggap ang kamay niya.

Hindi pa kami nakakalayo ng may mga lalaking nakaitim ang humarang sa amin.

"Love, si-sino sila? N-na-natatakot ako" nanginginig na sabi ko.

"Diyan ka lang sa likod ko. Hindi kita pababayaan"

"Pero, Love ------"

"Tumakbo at magtago ka na" sabi niya sa akin.

"Paano ka?" Nag-aalalang sabi ko.

"Hintayin mo 'ko" seryosong sabi nito at nakatingin sa mga lalaking nakaitim.

"Stella, sundin mo na lang ako" nagdadalawang isip pa ako dahil ayokong pabayaan siya. Ngunit, alam kong seryosong seryoso siya kaya wala akong nagawa kundi tumakbo palayo at magtago sa isang pader medyo malapit sa lugar.

Agad kong kinuha ang phone ko. Ngunit, kanino ako hihingi ng tulong?

Walang alinlangang kinontak ko si Levi.

*Ringing*

Please, Levi. Please, sagutin mo.

"L-le-v-i ------"

["Stella, ano'ng problema? Napatawag ka?"]

"Levi, p-please ------"

["Stella, huminahon ka! Tell me. Ano'ng problema?!"]

"Tu-tu-tulungan mo 'ko"

["Nasaan ka? Huwag mo ibaba ang tawag. Pupuntahan kita diyan"]

Hindi na ako nakasagot pa ng may dalawang lalaki ang humawak sa akin at nabitawan ko ang cellphone ko.

Nakita kong nakahiga na si Josiah sa sahig.

"Bitiwan n'yo 'ko! Sino ba kayo?! TULONG!" sigaw ko.

"Ikaw, sino ka?! Kaano ano mo ang Lowell na ito?" Tanong ng isang lalaki sa akin.

"Bakit n'yo tinatanong? Ano ba'ng kailangan n'yo?! Pakawalan n'yo na kami!"

"Girlfriend ka ba niya? Alam mo ba ang pinasok mong buhay?"

"Pwede ba! Hayaan n'yo na lang kami! Sino ba kayo?!"

"Marami pang tinatago ang boyfriend mo. Marahil ay hindi mo pa siya kilala ng buong buo"

"Manahimik na kayo! Pakawalan n'yo na lang kami"

Lumaban ako sa kanila. Kahit alam kong mahina ako at walang dalang armas.

Ngunit dahil sa isang saksak na natamo ko, hindi ko na alam kung makakauwi pa ako ng buhay sa Mama ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko dahil sa maaaring mangyari sa akin. Ngunit isa lang ang bumabagabag sa isip ko.

'Ma, I'm sorry'

Nakakita ako ng ilaw mula sa isang sasakyan.

"STELLA!" rinig kong sigaw niya.

Levi?

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top