CHAPTER 11

IKALABING-ISA

---------

--fast forward--

February 22, 2017

Ilang buwan na ang nakakalipas, wala pa rin namang nagbabago. Oo, alam kong may galit pa rin sa akin sa trabaho. Hindi ko naman sila mapipigilan.

Mas nakilala ko si Josiah. He's nice and romantic. He's goods at singing and playing a musical instruments. He has always time for me even though he's busy at work. Ngayon, nakakasiguro na ako na nasa tamang tao na 'ko. Sana, siya na yung first and last.

Today, I'm going to surprise him. Hopefully he likes it. Appreciated naman siyang tao. Kahit gaano pa kaliit o kababaw ang ibigay mo sa kanya. Siguradong magugustuhan niya.

Ngayon, naghihintay na lang akong pumatak ang orasan sa alas onse, onse ng gabi.

Kinakabahan ako na naeexcite. Kinakabahan ako kung magiging successful ba 'to. Sana nga matagumpay kong masabi ang surprise ko. Naeexcite ako sa magiging reaction niya at sa papasukin naming relasyon. Sa loob ng ilang taon naming magkakilala, ngayong araw ko lang makikita kung ano'ng itsura niya. O 'di ba? Ang weird? Mas pinili ko 'yon para mapatunayan sa kanya na hindi ako bumabase sa itsura ng isang tao. Alam kong mabait siya at ayon ang naging basehan ko upang sagutin siya.

11:00 p.m

Ilang minuto na lang! Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Wala namang magiging hadlang sa surprise ko dahil alam ko kung kelan ang free time niya at alam kong sa mga oras na ito ay wala siyang ginagawa.

Huminga ako ng malalim at saka ko pinakawalan ang mga kabang nararamdaman ko bago ko siya tawagan.

*Ringing*

Halos isang minuto din akong naghintay bago niya ito sagutin. Marahil ay kinabahan siya at nagtataka dahil hindi naman ako tumatawag sa kanya noon.

Nang sagutin niya ito ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nakakapagtaka na parang nakita ko na ang kanyang mga mata noon.

["Why did you call? Is there any problem? Tell me. What is it?"] He said.

Narinig ko na rin ang mga boses niya noon! Hindi ko na marahil maalala ngunit sigurado akong nagtagpo na ang mga landas namin noon.

Dahil limang minuto pa bago ang eksaktong oras ng aking plano, nag-usap muna kami ng kaunti.

"Can I ask? I think, we meet each other before?" I asked.

["Really?! I'm sorry, I didn't remember. Sa dami ng nakasalamuha kong tao ay hindi ko na maalala"] sabi nito.

"It's okay. Hindi ko na din maalala. Huwag mo na isipin"

Marami siyang sinabi at kinuwento sa akin ngunit tumango lamang ako sa kanya dahil ang aking mata at atensyon ay nakatuon lamang sa orasan.

This is it!!

"Josiah!" Nananabik na tawag ko sa kanya.

["Stella, bakit? What happened?!"] Nag-aalalang tanong nito na napatayo pa sa kinauupuan niya.

"Josiah! 11:11! Yes!!" Tuwang tuwang sabi ko.

["Yes? May nangyari ba?"] Hindi alam na sabi nito.

"No, no. What I mean is yes! Sinasagot na kita! Tayo na!" Sabi ko. Napatulala siya bigla. Nagulat at nabigla siya sa sinabi ko. Tatlong minuto rin bago siya natauhan at magsalita.

["Seryoso ba 'yan?!"] Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Yes! I'm serious. Thank you for making me comfortable. I'm grateful because I have someone like you"

["Hindi mo alam kung paano mo 'ko napasaya tonight. You making my night sweet and memorable. Thank you and I love you"] Malambing na sabi nito.

"You deserves my yes. I love you too, my love"

--fast forward--

March 13, 2017

After a weeks, walang araw na hindi kami magkavideo call. We decided that in our 1st Monthsary magmemeet up kami.

"Ms. Parker, pinapatawag po kayo ni Ms. Miller sa office niya" sabi ng isang employee.

"What? I mean, why?"

"I don't know, miss"

Dali dali akong pumunta sa office niya. Kataka taka lamang dahil dati rati ay siya mismo ang tumatawag sa akin kung may kailangan siya.

Pagkapasok ko sa office niya, nakita ko ang mga papers na nagkalat sa sahig at lamesa niya kaya nagulat at nagtaka ako kung bakit. Ano'ng nangyayari?

"Levi, may problema ba?" Takang tanong ko. Humarap siya sa akin na tila galit na galit.

"May nagawa ba 'ko?" Tanong ko pa. Bumuntong hininga siya at nagpipigil ng galit.

"Ms. Parker, nakalimutan mo yata na oras ng trabaho ngayon?"

"Levi, ano ba'ng sinasabi mo?" Natatawang sabi ko. Tumingin siya sa akin ng malalim at parang nainis pa sa inasta ko.

"Ms. Parker, I am your boss!"

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?! Dati na naman tayong ganito"

"Wala kang karapatan pagtaasan ako ng boses!"

"Fine. Ms. Miller, ano po ba'ng problema?" Mahinahon na tanong ko. Kinuha niya ang mga papel na nagkalat sa sahig.

"Tila nakalimutan mo na yata ang trabaho mo?" Nakataas ang kilay na sabi nito at diretsong nakatingin sa akin.

"Ano po'ng ibig n'yong sabihin?" Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahang magagawa niya. Sinampal niya sa akin ang mga papel na pinulot niya kanina kaya muling nagkalat ito sa sahig.

"Hindi ba't sinabi ko sayo noon na ayusin mo ang kaso laban sa LW Corporation?! Nagkaroon ka lang ng relasyon nakalimutan mo na ang trabaho mo dito sa Company ko!"

"Unti-unti ko naman pong inaayos. Sa katunayan nga po ay -------"

"Ayusin mo ang trabaho mo! Nauna ng nakapaghain ng petition ang LW Corporation dahil sa bagal mong kumilos!"

"I'm sorry, Sir. Pangako, tatapusin ko na po ngayon"

"Patunayan mo na karapat dapat ka sa posisyon, Ms. Parker"

"Ms. Miller, tama na. Please lang, Levi" mahinang sabi ko and my tears slowly down.

"Are you resigning now? Pagkatapos ng iniwan kong trabaho sayo? Dahil nahihirapan ka na? Bibitiw ka na agad?" He gave me a fake smile.

"Hindi... Ganyan ba kababaw tingin mo sa akin? MATAPOS ANG ILANG TAON NG PINAGSAMAHAN NATIN?! BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN?! ANO BA'NG PROBLEMA MO SA AKIN?!"

"Ang sinasabi ko lang naman ay unahin mo ang trabaho bago ang..." Napatigil siya sa sinasabi niya at saka tumahimik.

"BAGO LANDI?! SINASABI MO BANG MALANDI AKO?! LEVI, ANO BA?! KAIBIGAN PA BA KITA? BAKIT PARANG ANG LAKI NG GALIT MO SA AKIN? ANO BA'NG NAGAWA KONG MALI SAYO? KASI AKO, KANINA PA AKO NAGTATANONG SA SARILI KO KUNG MAY NAGAWA BA AKO SAYO. KUNG MAKAPAGSALITA KA, PARANG HINDI AKO TAO. LEVI, TAO DIN AKO! MAY PUSO AT DAMDAMIN! NASAAN NA YUNG LEVI NA NAKILALA KO NA AYAW MAKASAKIT NG DAMDAMIN NG IBANG TAO? HINDI KA BA MASAYA NA MASAYA AKO NGAYON?"

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top