CHAPTER 10

IKASAMPU

---------

"Malandi 'yang Nanay mo! Mang-aagaw!"

"Ma, ano'ng ibig sabihin nito?!"

"Sana kasi pag-aaral muna ang inuna mo! Bago makipaglandian at agawin ang asawa ko!" Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Asawa niya?

"Ate, matagal na 'yon. May anak ka na. Pwede bang huwag na nating ungkatin ang nakaraan?" Sabi ni Mama.

"May anak ako dahil nirape ako! Dahil doon iniwan ako ni Stefano! Kasal kami, Clarissa. Paano mo nagawa sa akin 'to? Iniwan ako ni Stefano dahil sayo. Nagpabuntis ka para ikaw ang piliin niya. Inakit mo yung asawa ko!"

Stefano? Si papa? Ibig sabihin, kabit lang si Mama? Si Tita ang asawa ni Papa? Kaya ba hindi pwede magpakasal sila Mama dahil may ibang asawa si Papa?

"Ma, paano n'yo nagawa 'yon?" Nangingilid na luhang tanong ko.

"Mahal ko ang papa mo. Mahal na mahal tayo ng papa mo. Alam mo 'yan, anak" paliwanag ni Mama.

"Pero, Ma. Mali yung ginawa mo" mahinahon na sabi ko.

"Sana nga alam ng Mama mo e! Masama na ngang kumabit tapos sa asawa pa ng kapatid mo?! Tapos, ngayon tatawagin mo 'kong ate?! Natakot ka pa na baka bumalik sa akin si Stefano kaya tumira kayo sa Maynila?!" Sabi pa ni Tita.

"Hindi totoo 'yan! Lumayo kami para mapalaki namin ng maayos ang anak namin!"

"Anak ba talaga ni Stefano 'yan? Baka naman sa ibang lalaki 'yan?!" Hindi nakapagpigil si Mama at nasampal niya si Tita.

"Oo, kabit ako! Inaamin ko! Pero, hindi ako nagpabuntis sa ibang lalaki para lang paniwalain na may anak kami ni Stefano! Hanggang ngayon mahal na mahal mo pa din siya?! Matagal na siyang patay!" Galit na sabi ni Mama.

"Sa dami ng lalaki, 'yung asawa ko pa talaga?! Sana lang hindi mamana ng anak mo 'yang kalandian mo!" Medyo nainis ako doon sa sinabi niya. Dahil ayokong maging kabit. Ngunit, nagtimpi lamang ako dahil ayoko ng palakihin ang gulo.

"Pwede po ba? Kamamatay lang ni Lola. Itigil na po natin ang away na ito dahil wala naman po itong mararating. Please lang po?" Mahinahon na sabi ko at natigil silang dalawa.

After a few days...

"Akala ko nagresign na 'yan" rinig kong bulungan ng mga co-worker ko.

"Akala ko nga din e. Favoritism kasi. Baka nga may ginagawa na 'yan kay Mr. Miller"

Napatingin ako ng masama sa nagsalita at doon ay namataan ko ang isang grupo ng mga babae.

Lumapit ito at palaban na nagsalita.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?!" Maagas na tanong nito.

"Masama bang tumingin? May mata ako e. Hindi ko maiiwasan" diretsong sabi ko.

Tinulak ako nito at nawalan ako ng balance kaya natumba ako. Patayo na sana ako ng pigilan ako nito.

"Matagal na akong nagtitimpi sayo! Masyado kang sipsip!" Sabi nito at sinabunutan ako.

"WHAT'S HAPPENING HERE?!" Rinig kong sigaw mula sa pinto. Natitiyak kong si Levi ito.

Natahimik ang mga ito at inayos ang kanilang mga damit at saka yumuko.

Agad na palapit sana si Levi upang tulungan ako. Ngunit, ako na ang pumigil sa kaniya dahil siguradong lalong magagalit ang mga galit sa akin.

"ALL OF THE INVOLVED, GO TO MY OFFICE NOW!" galit na sabi ni Levi at umalis na.

.........

"I don't want this to happen again. This is my last warning. If this is happen again, all of you are fired. Understood?" Sabi ni Levi.

"Yes, Sir" magalang na sabi nito at umalis na.

"Are you okay?" He asked.

"Yep. Bakit naman hindi? I understand them. Consequences na 'yon dahil sa tinanggap ko yung promotion noon"

"No. You deserves the position. I promised that it will never again" seryosong sabi nito.

"You don't need to do that. I can handle it. Pang-aabuso na kapag gagawin mo pa. Sanay na naman ako"

"Are you sure? We're friends. You can say anything. I'll do everything for you. Especially, you're my employee"

"Ikaw na ang nagsabi. Empleyado mo ako. You're my boss and I'm your worker"

"Hindi lang basta empleyado. If something that felt you bad, say it to me. Lalo na kung may nang-aapi sayo. Pinaka-ayoko pa naman sa trabaho ang may inaapakang tao"

"Levi, it's okay. I can handle it. Marami ka ng iniisip. Ayoko ng makadagdag pa"

"But---"

"Oh may ihihirit ka pa, Dugyot" pabiro kong sabi.

"I'm serious"

"I'm also serious. Kaya ko na 'to. Huwag mo na akong isipin. Pagtuunan mo na lang ng pansin ang problema ng company" doon ay napakunot noo siya.

"What do you mean?" Tanong nito.

"LW Corporation released a petition against our plan to build a institute that close to them"

"What?! Why?"

"They say, you should no longer interfere in their place"

"Talagang kinakalaban nila tayo!"

"Hindi lang ito ang unang beses?"

"Yes. Few years ago, naglabas din sila ng petition. Ngunit napagwalang bahala ito sa korte. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit ayaw nilang makapagtayo tayo ng institute sa lugar nila?"

"Wala din akong idea. Maaari nating ihain ito sa korte. Wala nga lang kasiguraduhan kung tayo'y mananalo"

"I'll contact my attorney"

"I know nothing of such a thing but I promised that I'll help you to win this case"

"Thank you. I didn't make a mistake in choosing you. I told you, you're deserving on that position"

Nginitian ko siya at saka ako bumalik sa opisina ko.

Pangako... Pagbubutihan ko pa ang aking trabaho upang walang empleyado ang manghusga at manglait sa akin.

..........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top