#99 - May Iba Na Ba?

Mahal, bakit parang may iba?
Sa mga galaw at usap mo
Parang hindi na ikaw ang taong minahal ko
Parang wala na lang ako sa iyo

Mahal, may iba na ba?
May iba na bang nagpapatibok ng puso mo?
Manghuhula na lang ba ako?
Hihintayin ko na lang ba ang paalam mo

Hihintayin  ko na lang ba
Na sasabihin mong "may iba na ako"
"Hindi na kita kailangan sa buhay ko"
"Malaya ka na, tumigil ka na sa pantasya mo"

Ganoon nalang ba?
Ngayon sagutin mo ang tanong ko
May iba na ba sa puso mo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top