#97 - Naghihintay Lamang

Naghihintay lang ako sa iyong pagbalik
Teka, babalik ka pa nga ba?
Susunduin mo pa ba ako kung saan mo ko iniwan mag-isa?
Mahal, bumalik ka na sana

Naghihintay lang ako kung saan mo ko iniwan noon
Kung pwede, ako na ang pumunta sa iyo ay gagawin ko
Pero wala akong magawa kundi maghintay lamang

Kahit parang hindi ka na babalik
Ay maghihintay pa din ako
Iyon lang naman ang pwede kong gawin
Ang maghintay sa iyo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top