#9- Sarili
Sarili,
Ikaw na ang bahala sa akin
Ikaw na ang magmahal sa akin
Sarili, ikaw ang bubuo sa akin
Pagmamahal muna sa sarili
Hayaan na mabuo muna ito
Bago tayo sumubak muli
Sa relasyong minimithi natin
Hindi natin kailangan ang iba
Bagkus, kailangan natin ang sarili natin
Dahil wala na iba pang nakakakilala sa atin
Kundi tayo rin
Bago natin buuin ang ibang tao
Dapat alam mo muna sa sarili mong buo ka na
Buo ka na para lumaban muli
Buo ka na para sa iyong sarili
At sa iyong pagbalik
Hindi ka na magpapawasak ulit
Hindi ka na papayag sa sakit
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top