#8- Sana


May mga bagay na mananatili na lang na sana,

Sana nilaban mo pa

Sana hindi mo ko binitawan

Sana tayo pa ring dalawa

Hanggang kailan tayo mananatili sa sana?

Hindi natin alam, huli na pala

Ang mga pwede pa, nasaan na nga ba?

Nasaan na nga ba tayong dalawa?

Sana maisip mo na naisip ko ring sumuko

Naisip ko ring bumitaw na

Sana nag isip ka muna

Hanggang sana na lang talaga

At sana magising na ako

Magising na ako na hanggang dito na lang

Wala na tayong dapat pag-usapan

Wala na tayong babalikan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top