#78 - Pintuan

Mahal, bukas na ang pintuan
Pwede ka na lumabas kailan man
Pasensya ka na kung ako ay nagkulang
Palalayain ka na, para tapos na  ang lahat

Mahal, bukas na ang pintuan
Itapak mo na ang paa mo at lumisan
Hindi na kita pipigilan
Kung dyan ka masaya, susuportahan kita

Mahal, bukas na ang pintuan
Sa wakas, mahahatid na kita sa hangganan
Pasensya ka na sa pagkukulang
Hayaan mo, may pupuno rin niyan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top