#70 - Sayang Oras
Nasasayang lang ang oras ko mahal
Hindi naman ako ang tinitibok ng puso mo
Bakit ako pa ang narito?
Siya ang mahal mo pero bakit ako ang pinili mo?
Sayang lang ang panahon mahal
Kung nilalaan niyo na ito para sa isa't isa
Sana ay masaya ka
Kesa naman nasa akin ka nga pero malungkot ka
Sayang ang oras mahal
Halika na ihahatid na kita
Tinatawag ka na niya
Ayos lang ako, kaya ko mag-isa
Sige na, mag-umpisa na kayong dalawa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top