#7- Mahal, Nandito Pa Rin


Mahal, kamusta ka na?

Palagay ko'y masaya ka

Kita ko naman iyon sa iyong mga mata

Maikakaila mo pa ba?

Mahal, habang ikaw ay sayang saya

Hindi mo ba nakikita ang lungkot sa aking mga mata?

Binabalot pa rin ng takot at pangamba

Na isang araw hindi na kita makita

Mahal, ipangako mo sa akin

Habang ako'y nakatingin

Habang ako'y nagmamasid

Na ikaw ay nakangiti parati

Habang ito, ako nasa likod mo

Hinihintay kang lumingon sa akin

Hinihintay na ika'y magising

Mahal, nandito pa rin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top