#60 - Mundo

Noong wala ka pa sa mundo ko
Tahimik naman ako pero walang kulay ang araw ko
Ayos lang sa akin ang lahat, ang importante ay nahinga ako
Pero may kulang, hindi ko alam kung ano

At alam mo kung ano pala iyon?
Ikaw pala mahal ko, ang kulang sa mundo ko
Hindi ko napansin, wala na pala nagpapangiti sa akin
Ayos lang mag-isa pero hindi masaya

Salamat sa pagpasok sa mundo ko
Akala ko noon wala na mananatili dito
Akala ko papasok pero iiwan din ako
Pero mali ako, dahil may ikaw na natili sa tabi at sa mundo ko

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top