#57 - Siya Na Ba?
Mahal, siya na ba?
Siya na ba ang kapalit ko sa bawat saya?
Siya na ba ang kausap mo kapag wala ako, sinta?
Siya na nga siguro, ngumingiti ka kasi sakanya
Samantalang sa akin, lagi kang wala o galit
Samantalang sa akin ay puro pait
Puro pilit na ngiti lang ang binibigay mo sa akin
Mahal, masaya ka ba sakanya?
Sana, ako na lang siya
Para makita ko na ulit ang mga ngiti mo
Mga ngiti na nakita ko noong umpisa
Mga ngiti na akala ko'y totoo, hindi pala
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top