#54 - Ikaw Pa Rin

Ilang ulit mang masaktan
Ang pipiliin pa rin ay ikaw
Saan man ako dalhin ng mga ito
Sayo pa rin ang bagsak ko

Ngayong umalis ka na sa tabi ko
Mahal, paano na ako?
Paano na ang mga pangakong napako?
Hindi ko naman kayang lisanin ang mga iyon
At bigla na lang maglaho

Mahal, kung sakali na babalik ka
Nandito lang ako kung saan mo ko iniwang mag-isa
Mag-isa na lang ako at walang nakakakita

May luha na sa mga mata
Walang salitang binibigkas
Kung hindi mahal kita
Ikaw at ikaw pa rin sinta
Ang gustong makasama hanggang sa huling hininga

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top