#50 - Ngiti At Tawa
Ang mga ngiti mo ang nagbibigay sigla sa akin
Titingin lang ako sa iyo
Pagkatapos ay ayos na ang buong araw ko
Parang kang gamot sa sakit na iniinda ko
Ang mga tawanan ang laging hinihintay ko
Para bang tayo ay nasa ibang lugar, hindi ba mahal ko?
Tuwing tumatawa ako, kasunod na ang halakhak mo
Ayos na ang mga iyon at hindi na magbabago
Sana lagi tayong ganito, tawa doon tawa dito
Akala mong hindi nag-aaway pero
Ang totoo, araw-araw ding may alitan ang tayo
Pero mahal pa rin kita, hanggang dulo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top