#45 - Mahal, sana..

Mahal, sa bawat pagpatak ng gabi
Hinihiling ko na sana ikaw ang katabi
Sa bawat paggising ko sana ay masilayan ang iyong mga ngiti
Sana sa akin ka na lang lagi

Mahal, sa bawat gabi aking hinihiling
Huwag ka na sanang mawala sa akin
Dumating man ang mga away natin
Sana sa akin ka pa rin

Mahal, hindi ko na bibitawan ang iyong kamay
Basta ipangako mong sabay tayo maglalakbay
Sa mundo kung saan ang ating gabay
Ay ang pagmamahalan natin na walang humpay

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top