#44 - Bakit?
May mga araw na tinatanong ko ang sarili,
Bakit ako? Bakit ako ang minahal mo?
Sa bawat araw na lumipas, nasasagot ang tanong ko
Minahal mo ako dahil totoo ako sa sarili ko
Kung tatanungin mo ako, bakit ikaw ang minahal ko
Isa lang ang sagot ko
Bakit hindi? Hindi ka ba kapili-pili?
Minahal kita dahil pinakita mo ang mga bagay na hindi ko makita sa sarili ko
Ikaw ang nagsilbing ilaw ko
Ang ngiti sa mga mata ko
Mahal, lagi mo lang tatandaan
Na sa bawat araw na dumaan
Uuwi ka sa akin
At ipagpapatuloy ang pagmamahalan natin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top