#43 - Tala (2)

Mahal ko, ang mga tala sa ulap ay iyong tingnan
Parang ganyan ang aking pagmamahal
Hindi mawawala, kailanman
Mahal ko tumingin ka lang, lagi iyang nandyan

Ang mga tala na iyan, ay parang ikaw
Nagsisilbing gabay sa madilim na buhay
Kahit ang mga ilaw ay nakapatay
May liwanag pa rin ang gabi at di malulumbay

Mahal, ang mga tala na iyan ay iyong pagmasdan
Darating ang araw na sabay na natin silang titingnan
Habang sinasambit natin sa isa't isa ang ating pagmamahalan
Mahal kita, hanggang sa kamatayan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top