#41 - Sandalan
Mahal, ikaw ang sandalan ko
Kapag nandyan ka ay hindi ako nangangamba
Nangangamba na baka bukas wala ka na
Nangangamba na baka bukas tumumba na
Mahal, ikaw ang sandalan ko
Ang sandata ko kapag pagod na ako
Kapag parang ayaw na sa akin ng mundo
Ang mundo ko na lang ngayon ay tayo
Mahal, ikaw ang sandalan ko
Hindi na ako matatakot sa bawat hakbang ko
Dahil alam ko, ikaw ang nasa dulo
Nasa dulo, hinihintay lang ako
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top