#38 - Nakalimutan

Mahal, alam mo bang nakalimutan ko na ang sarili ko?
Nakalimutan ko na na meron pa palang ako sa mundong ito
Simula noong ikaw ay minahal ko
Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang ako

Nakalimutan ko ang sarili ko para sa iyo
Lahat ay nilimot ko dahil para sa akin ikaw ang mundo ko
Wala akong ibang inisip kundi ikaw lang mahal ko
Pero tinapon mo lang ako, hindi na binalikan at bigla ka na lang naglaho

Huwag ka mag-alala, naaalala ko na
Naalala ko na ang sakit na dinulot mo
Naaalala ko na ang sarili ko
Simula noong ako'y nilimot mo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top