#33- Ulan

Umuulan nanaman, umuulan nanaman ng mga katanungan
Bakit ka lumisan, mahal?
Hindi mo na ba maibabalik ang dati?
Ganoon naman tayo parati, away bati

Mahal, ako'y magpapaulan na lang
Magpapaulan ako para ako'y matauhan
Matauhan na hindi na ako ang iying mahal
Na kailanman hindi na ako ang iyong uuwian

Iiyak ako kasabay ng ulan para hindi mo makita ang aking mga luha
Iiyak ako para maibuhos ko ang lahat sa ulan
Sisigaw ako ng malakas para makisabay sa langit
Makisabay sa bawat patak ng ulan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top