#32 - Lamig

Malamig nanaman ang ating panahon ngayon
Kasing lamig ng mga lambing mo
Kasing lamig ng mga halik mo
Kasing lamig ng mga titig mo

Mahal, may nagawa ba ako?
Kung meron ay ano? Sabihin mo naman sa akin
Hirap na hirap na kasi akong hanapin kung nasaan ang mga init ng pagmamahal mo
Hindi mo na ba iyon maibabalik mahal ko?

Mahal, pasensya na sa mga pagkukulang ko
Dahil doon kaya malamig na ang mga yakap mo
Kung pwede ko lang ibalik ang oras ay gagawin ko
Ibabalik ko ang init ng pagmamahal mo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top