#31- Kunwari

Mahal, magkukunwari na lang ba ako palagi?
Na ayos ang lahat, na hindi mo ako nasasaktan
Sa tuwing ika'y dumadaan puro sakit ang nararamdaman
Sa tuwing nakikita ka, puro kirot ang nasa puso sinta

Kunwari na lang siguro na hindi kita nakita?
Na wala na akong pakialam kahit anong gawin mo pa
Kunwari na lang na masaya ako kahit mag-isa
Habang ikaw ay masayang-masaya kasama siya

Kunwari na lang na hindi na kita mahal
Na may iba na ako kahit wala naman
Para hindi mo nakikita na hindi ako nasasaktan
Mahal, kunwari na lang para masabi ko sa sarili kong
Tama na, gumising ka na sa katotohanan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top