#29- Tala
Ikaw ang tala na lagi kong tinitingnan
Gabi-gabi ika'y tinitingala
Sana kasing liwanag mo ang bawat umaga ko
Umaga ko na hindi na masaya dahil wala ka na
Isang tala ka na lang sa buhay ko
Isang tuldok na palagi kong pagmamasdan sa kalangitan
Ikaw mahal ang ilaw na lagi kong susundan
Mahal, isang tala ka na lang
Lagi mong tatandaan na kahit wala ka na
Alam kong nandyan ka lang
Nakabantay sa bawat galaw
Ikaw ang gabay sa gabi man o araw
Hindi man nakikita, nasa puso ko naman
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top