#27- Huwag Na Lang

Mahal, huwag na lang
Huwag na lang natin ituloy pa ang nasimulan
Nagsimula nga ba tayo?
O hindi ka pa tapos mahalin ang mahal mo?

Mahal, nahihirapan na kasi ako
Hindi ko na alam saan ako maniniwala sa mga galaw mo
Minsan nandyan ka, mahal mo ako
Minsan nasaan ka? Maniniwala pa ba ako?

Mahal, itigil na natin ito
Mahal kita pero hindi pa din ako ang mahal mo
Bibitawan na kita, doon ka na sakanya
Saka na lang ulit kapag ako na ang pinili mo, sinta

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top