#26- Pwede Magtanong?

Mahal, pwede ba magtanong?
Bakit ang mga sinabi mo noon, tila ngayon ay paurong
Hindi ko na makita o maramdaman
Nasaan ka na ba, mahal?

Ilang beses na akong nagtanong
Nagtanong sa sarili, tama pa ba ako?
Tama pa ba na andito pa ako?
Andito pa ako, pero mukhang wala ka na sa tabi ko

Sana magising na ako sa katotohanan
Ang totoo na wala ka na, wala na talaga
Mahal, gisingin mo na lang ako ha?
Para hindi na mahirapan, hindi mo na masasaktan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top