#21- Una, Pangalawa, Pangatlo at Apat
Una, hindi huli
Sana makamit mo na ang mga ngiti sa iyong labi
Huwag ka na sana luluha ulit
Kasi para sa akin na nagmamahal sa iyo ay sobrang sakit
Pangalawa, sana makita kitang muli
Dala mo na ang mga sinabi ko noong ako'y iyong winaglit
Sa pagkakataon na iyon sana wala na ang sakit
Sa pagtatagpo ng mga mata nating sabik
Pangatlo, tatlong beses akong humiling
Na patnubayan ka ng Maykapal hanggang sa huli
Na kahit wala na ako sa iyong tabi
Hanapin mo lang ako sa puso mo ako'y nandoon pa rin
Pang-apat, sana sa apat na tawag ko sa pangalan mo ay iyo nang marinig
Ang sinisigaw ng damdamin ay ikaw pa rin
Habang iba na ang may hawak ng puso mo
At alam ng lahat na iyon ay hindi na ako
Hinding hindi na magiging ako
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top