#20 - Nanatili


Nanatili pa din ako

 Sa pagitan ng baka at sana

 Baka magbago ka na

 Sana mahintay ko pa

 Sana mahintay ko pa 

Ang araw na magbago ka

 Kasi sa totoo lang 

Ako ay pasuko na 

 Pasuko na sa ating dalawa

 Pasuko na sa pangako natin noong una

 Pangako na ikaw at ako ay iisa

 Iisa hanggang dulo 

Kaya pa nga ba?

 Sana nga makaya ko pa

 Para mahintay kita

 Mahintay sa dulo 

At sabay nating sasabihin 

Mahal na mahal pa rin kita

 Mahal na mahal pa rin kita

 Kahit sobrang hirap na 

Kahit minsan naiisip kong sumuko na 

Kahit sabihin nila na bumitaw na

 Nakakapit pa din ako

 Nakakapit pa din ako sa tayo

 Tayo sa simula 

Sana tayo pa rin sa pagtatapos

 Pagtatapos na wari ko'y palapit na 

Pero sana'y hindi pa

 Ayoko pang bitawan ka

 Ayoko nang bitawan ka 

 Sana nga makaya ko pa

 Kakayanin ko pa Kasi mahal kita

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top