#18 - Pwede Pa Ba?
Mahal, pwede pa ba?
Pwede pa bang ulitin?
Doon tayo sa simula
Sa simula kung saan tayo naging masaya
Sa simula kung saan may "tayo" pa
Doon na lang tayo sa simula
Dahil ayaw ko na sa katapusan
Katapusan na puno ng sakit ang laman
Mahal, huli na ba?
Hindi ko na ba pwedeng ibalik ka?
Masakit, sobrang sakit na wala na
Wala na ang sinimulan
Kasi tapos na
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top