#17-Mahal, Masakit Na


Mahal, natatawa na lang ako
Kapag naririnig ko ang pangalan mo
Pangalan mo na dumurog sa puso ko
Puso ko na walang ginawa kundi magmahal sa iyo

Mahal, naiiyak ako tuwing pinapaalala mo ang sakit
Sakit na mula sa iyo, sakit na dinulot ng bawat salita mo
Ang mga salitang "iiwan na kita, dahil may iba na ako"
May iba ka na ba talaga? O ikaw mismo ang nagbago?

Mahal, tatandaan mo na sa bawat araw na wala na ko sa tabi mo
Iyon din ang mga bilang ng araw na gusto kitang makasama pa sana
Mahal, kahit iniwan mo na ako mag-isa
Nasa puso kita, sinta

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top