#16- Tadhana
Ang tadhana na ang gumawa ng paraan
Paraan para matigil na ang lahat
Paraan para maiwasan na ang sakit na nararamdaman
Nilayo niya ako mula sa'yo
Sa'yo na sinasaktan lang ako
Ang tadhana na ang nagpasya
Na itapon na ang mga ala-ala
Ala-ala ng kahapon natin
Umalis na ako kung saan mo ako iniwan
Hinding-hindi na ako babalik dyan
Hinding-hindi na ako pupunta sa dilim
Dilim na binigay mo sa akin
Ang hiling ko lang sana
Sana hindi na ako hilahin ng mga ala-ala
Dahil pangako, ayaw ko na
Ayaw ko na maalala na minahal kita
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top