#10- Nakakatakot
Nakakatakot,
Nagbago na ang ihip ng hangin sayo
Hindi na ako yung mahal mo
Iniwan mo na nga talaga ko
Nakakatakot
Isang araw mahal mo pa ako
Sa susunod, parang wala na lang sayo
Bakit ganoon? Nagkulang ba ako?
Nakakatakot
Dumating na iyong araw na ayaw ko
Pinaka ayaw ko sa lahat
Dahil wala ka na sa buhay ko
Nakakatakot
Dahil hindi ako handa sa ganito
Mahal, hindi ka ba natatakot mawala ako?
Kasi ako takot na takot ako
Sa sobrang takot ko,
Nauna ka nang bitawan ako
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top