#9 100DWMME
ng magising si Fiery kinabukasan eh wala na sa kwarto si Kai. pagbaba neto sa sala eh nandun ang mama ni Kai na naghahanda ng almusal, naalala niyang sabado pala ngayon so therefore walang pasok.
"Ma si Kai po?" tanong ni Fiery
"ah nandun sa Garden nak, nililinis yung kotse" sagot naman ng mama ni Kai sa kanya.
"ah eh ayaw niya pong ipa carwash? tamad yun ah anyare?" sabi ni Fiery.
"ewan ko ba dun, pakitawag na nga lang siya pakisabi kakain na tayo."
"sige po ma." tapos eh naglakad na siya papuntang garden, eh nakita niya nga si Kai na nililinis yung sasakyan topless men, with matching basang hair hindi niya namamalayan na papalapit na pala sa kanya si Kai.
"woi! woi! hoi! yung bibig mo pakisara" at sa sinabing yun ni Kai eh nagising na itong si Fiery.
"ah eh kakain na daw kasi sabi ni mama." sagot ni Fiery na medyo nahihiya dahil sa naging reaksyon niya.
"ah sige, nga pala yung tungkol sa kagabi." pagpapaalala ni Kai sabay suot ng plain t-shirt.
"ano yun?" kunwaring hindi naaalala ni Fiery.
"kalimutan mo na yun." sabi neto sabay ayos sa buhok tapos eh umakbay kay Fiery.
"ano ka ba?! yang kamay mo!" sigaw ni Fiery.
"tss luh mag-asawa na kaya tayo, and we should do this para naman kahit papano eh paniwalaan nila ang acting natin -_-" ppagpapaliwanag ni Kai.
"-_- badtrip talaga oh." habang naglalakad sila napatigil siya bigla sa mga sinabi sa kanya ni Kai.
"kalimutan mo na yun, hindi mo talaga siya kaibigan." sabi Kai.
"tss nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang nasa posisyon."
"kung alam mo lang." yan ang sabi ni Kai tapos eh nakarating na sila sa kusina.
"kain na :)" sabi ng mama ni Kai.
"ahahaha! sige po." sabi ni Fiery.
"nga pala yung bahay niyo ok na." pagbabalita ng mama ni Kai.
"bahay?" tanong ni Fiery.
"oo bahay niyo, para naman makapagsolo kayo ni Kai :) ok na yung bahay niyo, may furnitures na ready na yung mga kwarto ok na so kelan niyo balak lumipat?" tanong ng mudra ni Kai.
"ngayon ma." sabi ni Kai ng wala man lang paligoy ligoy.
"hindi naman halatang nagmamadali kayong layuan ako " sabi ng mama ni Kai.
"ma naman, hindi sa ganun, minsan kasi kelangan lang talaga naming magsolo ng asawa ko para naman alam niyo na ;)" pagapalusot ni Kai. bigla naman siyang sinipa ni Fiery.
"o siya bahala kayo. basta dalawin niyo din ako o di kaya minsan dadalaw din ako sa inyo." sabi naman nito.
"ma pabalikin mo na sila aling Belen" sabi ni Kai. si nanay Belen yung pinakahead ng mga katulong nila parang lola na rin yun ni Kai.
"ah nga noh, naalala ko nagbakasyon kasi yun eh, tatawagan ko nalang. 2 months na ring nagbabakasyon yun :3 ni hindi nga nakapunta sa kasal mo eh" pagtatampo ng mama ni Kai.
"aahahhaa! hayaan niyo na yung si nanay ma, (nanay kasi tawag niya dun) ilang years na rin yung nagtatrabaho dito deserve niya ang bakasyon." sabi ni Kai.
"ah teka ba't parang ang tagal na nating magkakilala hindi ko pa rin nakikita si Nanay Belen ba yun?" tanong ni Fiery.
"ahahahha! baka natyetyempuhan lang talaga na wala si Nanay pag nagpupunta ka dito." sabi ni Kai
"ahahahhaha! gusto ko siyang mameet." sambit ni Fiery.
"nga pala nak, ang Ate Caylee mo, uuwi next month."
"talaga ma?!" di makapaniwalang sabi ni Kai.
"gusto niya daw mameet si Fiery eh." hindi pa kasi talaga umuuwi ng pilipinas ang ate ni Kai kaya kahit magkababata sila ni Kai eh hindi pa neto nakikita si Fiery tsaka magkaiba sila ng Father ni Kai, si Kai ang legal na anak talaga ero kahit ganun close pa rin sila ng ate niya.
"may ate ka pala :3" sabi ni Fiery
"ahhahaha nga no kelangan pala talaga kayong magkita ng ate netong si Kai." sabi ng mama ni kai tapos eh humagalpak sa kakatawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top