#7 100DWMME

Kinabukasan

"AHHHHHHHHH!!!!!!!" yan  ang bumulabog sa buong bahay nila Kai, ang sigaw ni Fiery

"oh?" tanong ni Kai habang nagkakamot ng ulo

"ba't ka andito?! o.O magkatabi tayo kagabi ?!" nang marinig nila bigla ang yabag na papunta sa kwarto nila at bumukas nga ang pinto.

"oh nak anyare?" tanong ng mama ni Kai.

"ahahahhaha wala po Tita nagkakatuwaan lang po kami ni Kai kasi naman eh napaka ano" sabi ni Fiery na may halong malanding tono XD 

"ay sus. oh siya, bumaba na kayo at kumain na may pasok pa kayo tama ba?" tanong neto.

"ay oo nga!" naalala naman ni Fiery kaya ayun nagmadali siya sa baba at iniwanan si Kai. matapos nitong makakain at makaligo eh sabay na sila ni Kai papunta anong aasahan niyo diba nga mag-asawa na sila.

"woi! ikaw sabi mo sa sofa ka lang >.<" asar na tanong ni Fiery

"eh kasalanan ko bang nilamig ako kagabi? pinunas punas mo pa nga laway mo sa damit ko eh =3=" sabi naman ni Kai.

">////////////////////< walangya! kasi naman eh!" tapos eh binaling nlang ni Fiery ang atensyon sa ibang bagay nakakahiya naman kasi diba at nakarating na nga sila sa university nila syempre mag-asawa kuno kaya ayun sweet sweetan silang dalawa, syempre inihatid ni Kai si Fiery sa room nila tapos with matching kiss pa sa cheeks na di na naman inaasahan ni Fiery.

"humanda ka saken mamaya." pa sweet na bulong ni Fiery kay Kai.

"babe susunduin kita mamaya after class :)" sabi naman ni Kai na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.

"YYIIIEEEE WUTTT! KAYO AH!" sigawan ng mga kaklase ni Fiery na kinikilig sa sinabi ni Kai.

"TSS MAGSIPASOK NA NGA KAYO!" sigaw naman ni Fiery sa kanila, nung pumasok siya ay hindi niya nakita si Cassandra.

"nga pala asan si Cass?" tanong ni Fiery sa isa sa mga kaklase niya.

"ahh ayun oh." sabay turo nito sa malayong upuan malapit sa kanya, kaya naman nilapitan niya ito.

"hey cass." pagbati niya pero hindi man lang siya tiningnan nito.

"hoi balik ka na dun  wala nakong katabi." ulit na sabi ni Fiery

"hindi mo naman sinabi na mang-aagaw ka pala." yan ang sinabi ni Cass na ikinagulat ni Fiery

"te.. teka..ba" hindi matuloy na pagsasalita nito.

"tss dapat sinabi mo umpisa pa lang na may gusto ka pala sa ex ko."

"hey hey hey! nag-aaway na ata yung dalawa!" sigaw nung nagpapanic nilang kaklase.

"pero." pagdedepensa ni Fiery sa sarili

"pero ano? kunwari galit galitan para makuha mo siya? kunwari ayaw pero sa loob loob gustong gusto naman pala? ok lang sa umpisa eh akala ko kasi nangtitrip lang kayo pero hindi! Mang aagaw!" nang biglang dumating si Dranrev para sana ipagtanggol si Fiery pero naunahan siya ni Kai.

"inaagaw?" pagtataka ni Kai habang si Fiery naman ay maluha luha na sa lahat ng sinabi ng kaibigan niya niyakap ni Kai si Fiery para naman hindi makita ng tao na umiiyak nato..

"oo inagaw ka niya saken, hindi ko naman alam na may pagka-ahas pala ang bestfriend ko." 

"hoi hoi! watch your words!" sabi ni Kai.

"bakit? totoo naman ah why should i hold back my words." sabi ni Cassandra 

"una sa lahat wala siyang inaagaw sayo kasi ex na kita. ex means past. matagal na yun. kaya wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko! pangalawa, don't act like you care tss diba? ikaw ang dahilan kung bakit tayo nagbreak? you need space? dapat nga papadalhan pa kita ng keyboard eh at ng mabaklas mo dun yung space. "

"so now pinagtatanggol mo siya?"  

"oo, alam mo kung bakit? kasi asawa ko siya may pakialam ako sa kanya." sabi nito.

"huwaw! enemies turned lovers? pinagpalit si bestfriend sa ex ni bestfriend, what a great idea. palakpakan naman kayo diyan." ng bigla nalang may maramadaman si Cass na dumampi sa pisngi niya. di na napigilan ni Kai ang sarili at nasampal niya si Cass.

"Kai dapat hindi mo ginawa yun!" tapos eh sinampal din si Kai ni Fiery tapos eh bigla itong tumakbo sinundan naman siya ni Kai pero bago ito umalis may binulong sa kanya si Cass.

"pakisabi sa kanya, na wala na siyang bestfriend." tapos eh umalis na din ito, Si Kai naman kung san san na nagpunta pero hindi niya dun makita si Fiery, tapos bigla niyang naalala yung lumang playground sa may tabi ng school nila, dun sila madalas mag-asaran nung bata pa at pag umiiyak si Fiery pag sobra na si Kai ay nagkukulong siya dun sa tunnel at hindi nga siya nagkamali nandun nga si Fiery

"ang iyakin naman tss."pang aasar ni Kai

"dahil sayo nag-away kami ng bestfriend ko." sabi ni Fiery habang humahagulgol pa rin.

"ano ba yan parang bata. tsaka kung bestfriend mo talaga siya ano mang mangyari hindi ka niya iiwan, hindi ka niya tatalikuran." sabi ni Kai.

"umalis ka na nga dito! gusto kong mapag-isa ayaw kitang makita!" biglang nagbago ang expresyon sa mukha ni Kai.

"nga pala, wala ka na daw bestfriend." yan ag huli niyang sinabi ng iwan niya si Fiery sa Tunnel na yun.

_____________________________________________________________________________

VOTE COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: