#17 100DWMME
umuwi muna si Kai para magdala ng mga gagamitin ni Fiery para sa pag-uwi niya kinabukasan, bago siya bumalik eh pumunta muna siya sa kwarto ni Fiery, naghanap siya ng mga bagay na makakatulong kay Fiery na maalala siya, pero ang nakita niya lang dun ay isang Kalendaryo na puno ng marka ng pulang ballpen at yung picture na napanalunan nila lalabas na sana siya ng bigla niyang napansin ang isang notebook na itim ang kulay sa may tabi ng kama ni Fiery kasama ng isa pang notebook na color white naman. kinuha niya yung black at binasa.
"REASONS WHY I HATE KAI SANDOVAL?" nagulat siya kasi para lang talaga sa kanya yung notebook, nabasa niya dun lahat ng naggawa niya kalokohan kay Fiery.
isa lang talaga ang pinakatumatak na nabasa niya.
"#424 Nung maging sila ng Bestfriend ko."
"hindi nakapagtatakang ako lang ata ang nalimutan niya ahaha." pilit nangiti nito habang sinasabi yun sa sarili. kinuha niya yung balck notebook at dinala niya.
Kinabukasan, sa ospital. sinabi na nga ng Doctor ang naging pagsusuri nila sa kondisyon ni Fiery at meron nga siyang Traumatic Brain Injury that's why pinayuhan nalang sila ng doctor na tuluyang mabalik ang ala-ala na nawala kay Fiery.
"i think it's good for her ijo pag dinala mo siya sa lugar kung san tahimik yung kayo lang ang magkasama para maalala ka niya, kung sino ka nga ba talaga sa buhay niya." sabi ng Doctor.
"sige po, i'll take her in a vacation." sabi naman ni Kai matapos nun eh umalis na ang Doctor at inimpake na nila lahat ng gamit ni Fiery para naman makauwi na sila tapos eh dinala na nga ni Kai si Fiery kung san silang dalawa nakatira pagbaba nila ng sasakyan namalayan ni Fiery na hindi kasama ang mama niyang bumaba.
"ma hindi po ba namin kayo kasama dito?" tanong ni Fiery.
"anak, kayong mag-asawa lang ang nakatira diyan, kasama niyo si Nanay Belen niyo." sabi ng mama neto saka bumalik na ulit sa sasakyan.
"anak gawin mong lahat ah." sabi ng mama ni Kai sa kanya tapos eh sumakay na rin sa sasakyan.
"teka ma si Ate san po ba siya ngayon?" tanong ni Kai.
"your ate is alright, nagpapahinga siya sa isang hotel. tetext ko nalang siya na ayos na ang lahat, wait papabook na rin ako ng Flight para sa inyo papunta sa Palawan." sabi nito.
"sige po ma, ingat po kayo, wag niyong kakalimutang pumunta sa doctor niyo ah." pagpapaalala ni Kai.
"ahahahah! wag niyo kong intindihin kasama ko naman ang bestfriend ko." sabi nito sabay sarado nung bintana at umalis na nga sila.
"hindi mo pa ba nasasabi sa kanila?" tanong ng mama ni Fiery (Mrs.Villa Luz)
"kasi dapat sasabihin ko na yun kinabukasan ng Party kaso ganun nga ang nangyari, hayaan mo gagawa ako ng paraan at hahanap ako ng tamang pagkakataon." Sabi naman ni Mrs. Sandoval (mama ni Kai.)
habang sa bahay naman nila Kai, si Nanay Belen naman ang sumalubong sa kanila.
"Pay anak!" sigaw neto tapos eh niyakap si Fiery.
"teka" hindi na nakapagsalita si Fiery kasi yakap yakap na siya ni Nanay Belen.
"ah nay, medyo marami po kasing hindi maalala si Fiery eh." sabi ni Kai dun sa sinabi niyang yun eh napabitaw si Nanay Belen at naging malungkot ang ekspresyon ng mukha.
"Fiery, si nanay Belen. " pagpapakilala ni Kai kay Nanay Belen.
"luh alam ko." sabi naman ni Fiery kaya naman nagulat si Kai.
"kilala mo siya?" tanong ni Kai.
"oo, kilala ko na siya. alaga niya kaya yung crush ko." sabi ni Fiery nagulat naman si Nanay Belen sa sinabi ni Fiery maging si Kai eh nagulat din.
"oh?" tanong ni Kai.
"oo nga, may notebook pa nga kong para sa kanya lang talaga eh." naisip ni Kai na baka yung notebook na sinasabi ni Fiery eh yung notebook na dala-dala niya.
"pwede ko bang makita yung notebook?" tanong ni Kai. hindi naalala ni Fiery kung sino ang alaga ni Nanay Belen which is si Kai kaya naman nasabi niya ang mga ganung bagay.
"ahahhaha! oo naman teka san ba dito ang kwarto ko." tanong ni Fiery.
"ah kwarto natin yun. nasa taas." sabi ni Kai
"ah nga pala mag-asawa nga pala tayo, pasensya na ah nakalimutan ko." sabi ni Fiery.
"ok lang." tapos eh tumakbo na sa taas si Fiery para kunin yung notebook na yun tapos eh bumaba ulit.
"teka hindi ko pala pwedeng basta bastang ipabasa sayo yun, kasi para lang talaga sa kanya yun eh." sabi ni Fiery naisip naman ni Kai na kaya baka ayaw niyang ipakita kasi hindi niya mahanap, at hindi niya mahanap kasi nasa kanya yung notebook.
"nagkatinginan si Aling Belen at Kai nung sinabi niya yun
"yung alaga ko tsaka si" sasabihin na sana ni Nanay Belen na iisa lang ang alaga niya tsaka si Kai pero hindi niya nasabi kasi sinenyasan siya ni Kai na wag niya ng ituloy
"ano yun nay?" tanong ni Fiery
"ah wala, sabi ko magluluto nako ng makakain natin ngayong gabi, maghanda na kayo sa mga dadalihin niyo bukas para hindi kayo malate sa flight niyo." pagpapaalala ni Nanay Belen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top